AGIMAT

 

Una kung natatandaan
ay si Ramon Revilla Senior

Ang orig na Joaqin Burdado
at sa Agimat siya ang Mentor

Ng lahat ng Filipino
Pagdating sa anting-anting

Na kelangan mong tiyempuhan
ang patak ng dagta nung puso ng saging

Pampalakas daw ito sabi
sa kwento ng mga matatanda

Pero dapat daw sa mga pagsubok
ikaw ay maging handa

Kasi bago mo makuha ang isang
agimat

Marami daw itong tagapagbantay
na maligno ayon sa alamat

Gusto ko rin noon magka-agimat
kaya marami akong medalyon
na binili

Pero sabi nila pelikula lang
ito, wag magpapaniwala sa
sabi-sabi

Bata pa ako noon matigas
ang ulo actually hanngang ngayon

Kaya basta matanda nagsabi
Di ko kaagad pinaniniwalaan

Ganun ang mga batang makulit…
makikinig lang kapag nasaktan

Hangang ngayon sa agimat
akoy naniniwala

Kahit sabi nila ito
lamang ay mga haka-haka

Sana balang araw sa aking
bakasyon ay matyempuhan

Tuwing biyernes Santo
mga anting-anting daw ay
naglalabasan

Ako sana’y makakuha
nung kapangyarihang buhay
pampahaba

O di naman kaya yung
medalyon para di ka tablan
ng bala

Meroon pa kaya noong
parang kay FPJ na espada?

Eto yung kanyang ginagamit
na Sandata

Laban sa mga maligno
aswang at tikbalang

Pero ngayon mga kurakot
sa Gobyerno mas kinatatakutan

Mahaba-haba itong magiging kwentuhan
kapag itinuloy ko pa

Di naman ako nauubusan ng salitang
itutugma

Sa iyo lang ako nag-aalala
Baka oras ay maubos sa wala

Salamat sa iyong pag-basa dito
sa aking inilathala

Sa huli masasabi ko siguro
totoo ang agimat

isang kasangkapan para marating
ang pangarap

Pero itoy nakatago sa iyong
sarili at para makita

Kelangan mo lang maging tapat
sumampalataya na parang bata

at iyong mararamdaman at matutuklansan

parang may kakaibang nagaganap sa iyong
katauhan

at ngayon mo lang naiintindihan
mga nabasa sa isang aklat

sasabihin mo tuloy kamalaunan na
tunay yata ang agimat.

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: