JAMVHILLE FERNANDO SEBASTIAN (JAM)

 

Hindi ko napigilan na mag-post sa
aking FB page ng mahabang mensahe
noong nag sync in na sa akin na sumakabilang
buhay na si Jam. Sa totoo lang pinigilan
ko ang sarili ko na magtype pa dahil
sa tingin ko mahaba na yung mga naisulat
ko at sa lagay ng internet signal namin
dito sa aking kinalalagyan ay baka biglang
mag-loko ang signal at tuluyang mabura ang
mga nais kung sabihin kung kaya tinapos ko
na kaagad ang mga gusto ko pa sanang ibahagi.

Nais kung saluduhan si Jam bilang isang artist
na kung saan sila ng kanyang fiance na si Michelle
Liggayu ay hindi maitatanging malaki ang nai-ambag
sa larangan ng Freelance Filming. Hindi ko tiyak
kung anung klase o genre ang ginawa nilang mga
film na pwedeng mapanood sa Youtube pero para sa
akin para siyang short/art flim. Ano mang uri
ng Film ito ang sure ako kung isa karing katulad
ko na Film maker enthusiast ay matutuwa ka sa
kanilang mga nagawa. Very inspiring lalo na
sa mga aspiring film maker ang ibinahagi nilang
mga maiikling pelikula, para bang nagsasabi
na “kayo rin gawin ito” na ibahagi
ang kwento ninyo sa pamamagitan ng maikling pelikula.

Nabangit ko sa aking FB Page na dati rin akong
nasabihan ng isang suhestyon na bakit di ko raw
subukan na gumawa ng mga short films na kung saan
ang tema ay yung mga nakasulat sa blogsite ko.
Sabi ko na hindi ko pa ata panahon para diyan
at noong mga panahon rin na iyon ay wala pa sa
listahan ko na sumubok sa filming. Kaya nasabi
ko na may mga taong gagawa niyan balang araw at
kapag dumating yung panahong iyon ay makikinood
nalamang ako. May mga taong nagsasabi na baka
raw maunahan ako sa magandang ideya na ito pero sabi
ko hindi naman tayo nakikipag-paligsahan.

Kamalaunan ay si Jam at Yexel ang parang naging
kasatuparan ng aking mga sinabi, in fact noong
napanood ko yung mga film nila sa Youtube ay
agad ko na hinanap ang FB account ni Yexel at
nagmessage sa kanya na nagsasabing naalala ko
ang sarili ko noon nung napanood
ko yung Short Film niyang OK LANG YAN, na kung
saan kasama rin niya dito si Jam at Mitch
sa short film ng OK LANG YAN tinalakay nila
ang isang scenario ng magka-sintahan na kung saan
nabuntis si Mitch ni Jam at sa una si Jam ay ayaw tangapin
ang bata pero kamalaunan sa tulong ng paliwanag ni Yexel
ay nakumbinsi si Jam na tangapin ang bata.

Tuwang-tuwa ako sa panonood sa kanila kahit na
medyo mabagal ang internet eh kahit papaano yung
ilang mga scene eh napapanood ko… Masaya ang
mga Film… At sa Youtube ko rin
nalaman na nagkaroon ng cancer si Jam at dun talagang
parang BUM!!! nag-iba ang daloy ng momentum na
naramdaman ko sa kanyang mga Films.

Dati ang tanung ko ay ano kaya ang sunod nilang gagawin?
Pero nung nalaman ko na nagkaroon siya ng sakit
na cancer ay napalitan ang aking pagtatanung ng
pag-hiling na sana gumaling siya…

Kung ang JaMich films ay nagbigay aliw sa atin
ang naging buhay naman ni Jam habang dinadala
ang sakit na cancer ay parang naging isang inspirasyon
sa akin… hindi lang sa kung papaano ginawa ni
Jam ang lahat ng makakaya para maging matatag kundi
maging ang lahat ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Ang Pagmamahal ng kanyang Ina, kapatid, katipan at
lahat ng mga taga-suporta ay talagang masasabi kung
“pambihira”. Love will take you further. Naniniwala
ako na nakayanan ni Jam na makapanatili ng ganitong
katagal dahil bukod sa kanyang maigting na kagustuhang
mabuhay ay napakalaking bagay ang pag-ibig na ipinadama
ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Nakakapangulilang isipin na nitong ika-apat ng Marso
ganap na ika 10:30 am sa Pilipinas (kung tama po
ang nabasa ko sa mga balita) ay sumakabilang buhay na
si Jamvhille Fernando Sebastian na nakilala natin
sa kaniyang mga ginanapang films bilang Jam.

According to Wikipedia ay 1986 pinanganak si
Jam sa Chinese General Hospital na kung saan dun
din ako pinanganak, bata si Jam sa akin ng tatlong
taon, year of the tiger sya ayon sa Feng Shui calendar
na kung saan ang sabi kaming mga year of the boar
at Tiger ay magandang combination na magkaibigan.
Hindi ko kilala sila Jam, Yexel o ang team nila
Pero mula sa kanilang mga nagawa at naiambag sa
mundo ng sining ay parang ang lapit nila hindi lang sa
mundo ko kundi sa buhay nating mga tumangkilik sa
kanila.

Matagal ng kasama si Yexel at Jam sa binabalak
ko para isulat at ilathala sa category ng
SALUDO dito sa aking blogsite pero parang ang bilis ng

pangyayari.

Muli sa Pamilya ni Jam ay pinaabot ko po ang aking

pakikiramay at pakikidalamhati.

Sa paniniwala ng kanyang kuya na si Yexel ay naniniwala
itong nasa mabuting kalagayan na ngayon ang kanyang
kapatid at maaring binabantayan sila ngayon ng
kanyang kapatid na bagong miyembro ng mga angel sa
langit…

Ika nga sa isang naisipi kung paboritong Novela na Five

People You Will Meet in HEaven ni Mitch Albom ay…

“All endings are also beginnings. We just don’t know it at

the time.”

Sumasaludo
D-Nobelizt

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: