WATAWAT (TULA)

Ito ang symbolo ng ating
kasaysayan

Paano nila binuo ang disenyo
aba mahabang kwentuhan yan

Tatlong bituin at isang
araw

Kumakatawan sa Pinas may
kulay pa na puti, asul, pula
at dilaw

Cool pakingan ang salitang
“watawat”

Para sa akin astig ang
tunog katumbas nung salitang
agimat

Lately nalang naging cool
ang pagiging pinoy

Noon kasi ang T-Shirt na may
Mapa sabi nila parang baduy

Salamat nalang talaga kila
Manny Pacquiao, Charize Pempengko
Arnel Pineda at syemre kay Francise Magalona

Kasi ngayon cool na ang pagiging
Pinoy marami pang icon na katulad
nila

Yung mga patuloy na nagpro-project
na ipagmalaking Filipino ka

Minsan inisip ko di ba parang
nakakasawa?

Kasi lahat ng cool ay nalalaos
rin

ang magandang painting magsasawa
ka rin sa kakatingin

Pero ganun talaga lahat may katapusan
Kahit kanino applicable yan

Ang dapat lang nating tandaan
lahat ng bagay may panahon

para ring bandila minsan
kailangan mong ibaba

pagiging makabayan nasa puso
yan di mo na kelangan tumingala
(para makita bandila)

Sa umaga na may seremonya
ang buong eskwela o opisina

doon magtipon-tipon parang
old school ang format wayback
dekada otsenta

Saka sa umaga Panatang Makabayan
ating sambitin

at Bayang Magiliw ating awitin

Para ating maintindihan na ating
kasaysayan ay higit pa sa alamat

Ito’y mga totoong kaganapan na
gusto sa ating ipaintindi ng watawat.

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: