KAPE AT FACEBOOK

Isa siguro sa mga hindi alintanang
nagiging pampa-GoodTime ng mga Filipino
ay ang PAGKAKAPE habang nagpe-FACEBOOK.

Syempre mas magandang pakingan
kapag ang sinabi ko ay KAPE AT LIBRO
or KAPE AT EBOOk mas good boy pakingan
pero sa totoo lang kahit sa nakakarami
mas ideyal sa kanila na palipasan ang
pagpe-FACEBOOK habang nagka-KAPE
or vice-versa.

Maliban nalang kung may ka-badtripan
ka sa social media o may hinahabol
na deadline para maibuod ang isang partikular
na Nobela at pwede rin na nagkra-cramming
ka sa pagre-review dahil bukas exam na.
Sa mga ganitong sitwasyon ay maiintindihan ko.

Noon ang ka-tandem ng KAPE eh Dyaryo
pero ngayon Tablet or smartphone na.
Kung ako tatanungin mas mainam na siguro
na mag-FACEBOOK nalang kesa naman sa
ang babasahin mong balita eh yung mga
paulit-ulit na karahasan… AYos naman
na makibalita ka pero tulad sa pag-inom ng
kape eh limitahan mo ang sarili dito.

Siguro dun sa pagbabasa mo nung mga
ULO ng mga balita ay gets mo na kung
ano yun at kahit saka mo nalang basahin
ang mga detalye.

Mas okay na tignan at
basahin yung mga “STATUS” nung mga
kakilala mo, mga litrato at video nila
kasi dun ang mga masasabi mo siguro na
balitang totoo… Although yung
iba medyo magaling magtago pero mas marami
parin ang nagpapakita kung ano talaga
nangyayari.

Ewan ko sa inyo pero sa akin
pagkatapos ko mag-KAPE at FACEBOOK
pakiramdam ko mas connected ako
sa kung ano nangyayari sa mundo
kesa sa manood ka ng balita
na parang iba naman ang nangyayari
sa araw-araw, dun nga lang sa
weather report minsan sasabihin
maaraw bukas pero may bagyo pala
eh lalo na yung mga ulat na
may pagka-metikuloso…

Kaya kung gusto mo ma-update siguro
mag-FACEBOOK, Twitter at Instagram
ka nalang habang nagkakape o tsaa
Pampa-GoodTime ba…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: