BANDWAGON (SUMASAKAY KUNG KAILANGAN)

Noong nagsimula akong mag-blog
ay talagang iniiwasan ko na sumakay
sa tinatawag nilang “BANDWAGON”

Kumbaga ang ibig sabihin ng BANDWAGON
sa aking pagkakaintindi
ay yung mga usong usapin o paksa
sa social media o sa madla. O kung
anung usong damit, gamit etc. kung fashion
o gadget ang pinaguusapan.

Sa halos humigit na 500 post
ko sa blogsite na ito (sa kasalukuyan) ang
masasabi ko na medyo nakisakay
ako sa BANDWAGON ay noong mga
panahong nagluluksa ang Pinas
sa pagpanaw ng Master RAPPER
na si Francis M.

Paborito kung artist si Kiko
kaya wala na sa akin kung sabihin
mang nakikisakay rin ako, dahil
sa mga panahong iyon ay angkop
lang na ilathala ko ang aking
Appriciation sa kanyang mga
ibinahagi sa atin.

Nitong mga nakaraang araw ay
may mga artikulo akong
inilathala na kung saan si JAM
na nasa tandem ng JAMICH
ang aking tinatalakay o sinasaluduhan.

May nagsasabi na baka raw
nakikisakay ako para lumakas ang
views ko… Tanung ko lang ay
kailan ba ang tamang panahon para
maipaabot ng isang blogger na
naririto sa ibang bansa ang kanyang
simpatya sa mga mahal sa buhay ni Jam
at sa kanyang mga taga hanga kundi
sa mga panahong ito.

Kung tutuusin wala naman akong
nakikitang masama kung isa kang
BANDWAGONER o mahilig maki-uso
honestly masarap na nakikiuso
ka, updated sa kung ano bago
pero sa akin lang dapat ding
malaman mo kung saan at ano ka
ba talaga. Sa Fashion dadating ang
panahon o pagkakataon na may uso
kang hindi mo masasakyan kasi
lahat tayo may mga tinatawag na
personal “taste” na kailangan mong
pag-bigyan at marapat nga na
yun ang mas pansinin mo kesa sa
mga sinasabi ng nasa labas dahil
yung talagang gusto mo yun
ang totoong ikaw. May mga taong di
makaka-gets pero mayroon ring mga
taong hindi ka lang mage-gets kundi
magiging proud sa iyo dahil
naging totoo ka.

May mga uso na di natin ma-hihindian
pero kayang malimitahan, halimbawa
itong teknolohiya, noon rare pa
ang internet pero ngayon parte na
halos ng pangangailangan natin sa buhay
pero ganun pa man kaya mo paring limitahan
ang sarili sa pag-gamit ng teknolohiya
at gamitin lang ang talagang kelangan.
Halimbawa sa pag Facebook kapag may
kakilala ka na nagdiwang ng kaarawan
at siya ay nakikita mo naman araw-araw
eh imbis na batiin lang sa FB bakit
hindi mo personal na batiin? yung mga ganito
bang bagay.
Sumakay sa Bandwagon kung kailangan, pero
tandaan rin na umalalay lang para di masyadong
masobrahan.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: