Antoinette Jadoane(THE PAOLO COELO OF PINOY FILMS)

Noon ko pa gusto alamin kung sino ba
sumulat o direktor nung Ekstra ni Ms. Vilma Santos?

Pero minsan kapag nagiinternet
ka mawawala sa isip mong alamin
yung mga gusto mong alamin dahil
sa pagfe-FACEBOOK, YouTube, Instagram at twitter
eh kamalaunan kahit ikaw mawawala ka sa
sarili mo at malaman mo nalang ang haba
na pala ng oras na ginugol mo sa hindi
mo maipaliwanag kung ano ba iyon…

Kaya kung minsan mapapa-OO ka sa sinasabing
“TADHANA” dahil may mga information ka
na gusto mo malaman pero parang mailap sa
iyo…

Pero dumarating rin ang panahon na masusurpresa
ka nalang dahil andyan lang pala sa tabi mo
ang iyong hinahanap.

Nagulat nalang ako ng aking malaman na
iisang tao lang pala ang sumulat/nardirek ng EKSTRA,
English Only Please at ng THAT THING CALLED TADHANA…
Marami pa akong nabasang pelikula na
ginawa ni Ms. Antoinette Jadoane at kung bubuudin
mo ang mga komento nung mga nagrepaso sa kanyang
nagawang pelikula ay puro ito positibo.

Nasabi ko na siya ang parang PAOLO COELO
ng Pinoy Films dahil para sa akin
ang kanyang mga pelikula ay “Genuine”
tulad ng mga novela ni Paolo Coelo
halos lahat ng mga nabasa ko ay “Genuine”
ramdam mo na yung pinapanood/binabasa mo ay yung
tipo bang nasasalamin ang buhay mo-
maaring hindi lahat nung pinagdaanan ng
protagonist pero parang ang daling
makakonekta sa kinalalagyan nung
artista sa pelikula.

Sabi nga sa ibang review eh “REFRESHING”
ang mga film ni Miss Jadoane. Yung
mga pelikula nya ay may effect na tipong pagkatapos
mo mapanood eh pakiramdam mo nai reset
ang kamalayan at damdamin mo… hindi ka
naman magkaka-amnisya pero you feel light
and expecting something good will happen
in life… parang ganun ba.

Si Paolo Coelo ay isa sa mga sinasaluduhan
kung writer at syempre pa ang artikulong
ito ay isang paraan na nagpapakita ng suporta
kay Miss Jadoane at nawa ay ang kanyang
mapagbigay na puso sa sining ng pelikula ay
lalo pang magyabong para makapagibgay ng
ligaya, liwanag at inspirasyon sa mga
Filipinong tumatangkilik ng tagalog films
na tulad ko…

Direk Saludo ako Sayo!

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: