DOMINATION 2 (HI-JAKK GLOC-9)

 

Natatandaan ko noong mga late 90’s
ang una kung biniling Pinoy
RAP album ay an cassete copy na pinamagatang
DOMINATION 2 na kung saan si HI-JAKK at
GLOC-9 ang mga rapper.

Binili ko iyon kasi nagustuhan ko
yung DOMINATION 1 na kung saan
sumikat dito yung WANGBU na ginamit
pa nga sa pelikula noon nila Jay Manalo,
Amanda Page at Dindi Gallardo sa pelikulang
pinamagatang WANGBU.

Nung napakingan ko yung Domination 1
palang ang sabi ko sisikat din
ang dalawang ito balang araw at hindi nga ako
nagkamali. Pareho na silang sikat ngayon
bagamat sa magkaibang uri ng liwanag.

 

Si Hi-JAkk ay sikat sa underground
samantalang si Gloc-9 ay sa mainstream.

May kwento na may di pagkakaintindihan
ang dalawang ito kaya nagka-hiwalay, pero wala akong
alam sa detalye.

Sa akin lang bilang taga tangkilik
ng mga ganitong uri ng kanta sana
balang araw rin ay muli silang
magkaroon ng collaboration bilang isang
sinyales na maayos na ang lahat sa
kanila. Bagamat malabo ng maibabalik
ang tulad ng dati pero sana kahit papaano
maayos ito.

Ganun pa man saludo ako sa
dalawang manglilikha na nagbigay
ng bagong panlasa dito sa kultura
ng HIPHAPAN sa Pinas.

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: