KOLEHIYO (AFTER 11 YEARS)

 

Tinignan ko ang statistic ng
blogsite kung ito para malaman kung
ano ba sa mga pinagpapaskil ko
noon ang pumatok ng todo?

Hindi parin nagbabago yung tungkol
sa maagang pagbubuntis at sa pagpili
ng kurso ang madalas paring nagdidikitan
sa tuktok ng pinaka popular kung
artikulo.

Kaya tuloy hindi ko napigilang
kwentahin ang mga taong lumipas
mula ng akoy nagtapos noong taong
2004.

11 years na pala ang nakaraan
mula nung taong akoy grumaduate
at 7 years na ang nakakalipas
mula noong inilathala ko ang
artikulong “Ano ang matibay
na basehan sa pagpili ng kurso
sa Kolehiyo”

Yung mga kabataang nakabasa
nito noon ay malamang sa
malamang ay nagtapos na sa
college at yung iba ay sariwang-sariwa
grumaduate ngayong buwan ng Marso.

Maaring yung iba ay stuggle
parin sa paghahanap ng trabaho
o mayroon namang sinuwerte
na makakuha ng magandang pusisyon
sa napiling karera.

Hindi rin malayong may mga
college graduate na tambay
pa hangang ngayon…

Lahat yan napagdaanan ko
yung mag-struggle, tumambay
at swertihin sa career…

After 11 years may conclusion at doubts
akong nabuo tungkol sa pag-Kokolehiyo…

Ang doubts ko ay ito…

4 YEARS IS TOO MUCH

Ewan ko sa ngayon pero noong panahon
ko yung 1st to second year ang mga itinuturo
sa amin ay mga subject na sa tingin
ko ay malabo ang koneksyon sa pag-pro-program
kaya sabi nga nung Prof namin noong graduating
na kami ay kulang pa ang mga nalalaman namin
sa programming at nirerekumenda niya na mag-aral
pa. Although talaga namang kailangan ng ibayong
pag-aaral kahit nagtapos ka na sa kolehiyo pero
ang pagkakaintindi ko sa ibig ipabatid ng Prof.
namin ay kumbaga sa Sundalo ay kulang ang pangunahin
naming kasangkapan para makasabay man lang sa gera.

COLLEGE IS A BUSINESS OR BUSINESS IN COLLEGE?

Pakiramdam ko tuloy parang ginagawang
gatasan ang mga magulang ng estudyante.
Kasi kung ang mga dapat na subject ay maituturo
pa lang sa ika-tatlong taon pataas edi lumalabas
na kayang kuhanin ng dalawang taon ang pagiging
Bachelor Degree…

Mula 1st year to 2nd Year kung programmer ang kinukuha
mo ay siguro naman hindi na gaano mahalaga
na pag-aralan ang Filipino. Hindi dahil sa hindi ko

pinahahalagahan ang pambansang
wika pero siguro naman noong elementary, highschool
tayo alam na natin ito(FIlipino) at kung hindi man ay

dapat ang estudyanteng iyon ay huwag munang tumungo sa

pagkokolehiyo.

Ngayong may anak na ako at nakakagulat malaman na
pagkatapos ng pre-school may prep, kinder tapos saka
palang mag-gre-grade 1. Noong panahon ko pagka kinder mo
ay diretso ka na sa grade 1, pero syempre sasabihin
noon pang 90’s yun kuyang!

Pero di ba dapat kapag gumaganda ang sistema
dapat umiikli ang proseso? pero baligtad
ata sa sistema ng edukasyon natin.

Mas mahabang panahon sa eskwelahan ay katumbas
nito dagdag na gastusin.
CONCLUSION

Ang sabi ng isa sa mga iginagalang ng MC sa American
HIP HOP na si KRS-One… “COLLEGE IS A SCAM”

Siguro ganun rin dito sa Pinas. Sasabihin sa iyo
kailangan mo magtapos ng kolehiyo para makahanap
ng trabahong maayos pero ang reyalidad parang hindi
ganun ang nangyayari.

Ganun pa man keh totoo o hindi na SCAM ang eskwelahan
sa Pilipinas hindi naman ibig sabihin nito na
diretsahang puro lokohan ito.

Sabi narin nga ni KRS-One “take advantage to the

resources available”

Kumbaga sa eskwelahan ninyo eh sulitin ninyo
ang mga serbisyong pwede ninyong gamitin tulad
ng library o mga aktibidades na magpapalawak sa inyong
karanasan.

Parang ang lumalabas na noong edad na 15 years old
ako ay pwede ko na palang simulan ang aking
karera. Siguro kung nagsimula akong mag-artista noon
baka ngayon laos na ako pero at least nakatapak sa
industriya at maaring kung di man ako matee ni idol
ay isa na akong producer or direktor.

Siguro kung noong 15 years old ako ay nagsimula
na akong mag-negosyo ng 5/6 na pautang edi siguro
ngayon ang laki na ng tinutubo kung pera.

Ang pagsisimula ng solid na career after college or
at 20’s ay medyo gipit pero pwede naman. Kung
magagawa mo magsimula ng maaga pa dito ay mas maganda
kung hindi ay ayos lang din naman, sabi nga
wala sa timeline rin yan kundi nasa tao at kapalaran
nito. Ang punto ko lang ay huwag masyado gawing
benchmark ang college years to become what you want.
AFTER 11 years since graduation parang wala lang
nangyari. Kung hindi nga siguro sa Facebook
baka limot ko narin yung mga naging ka-klase ko.
Nakakatuwa rin malaman na thru FB mapapansin mo
ang malalaking pagbabago. Minsan mahihirapan
mo ng maalala na yung dati mung classmate sa highschool
o sa College ay dating wala pero ngayon parang
nasa kanya na lahat.

Yes! College is the life changing expirience
but outside of it’s walls a UNIVERSE awaits to you…

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: