EH ANO KUNG MANALO SI PACMAN?

 

Una po sa lahat itoy hindi
pangba-bash o pangininsulto sa
ating pambansang kamao.

Layunin lamang po ng
artikulong ito na sanay
balansehin  o iharmonize
ang maala bagyong
attensyon na ibinibigay hindi
lang ng mga kababayan nating
Filipino kundi
lahat ng sangkatauhan sa buong
mundo na nakakakilala kay Manny
at Floyd.

Eh ano kung manalo
si Pacman sa labang ito?

Siyempre masaya kung manalo
Siyempre proud tayo

Pero wag nating kalimutan
na pagkatapos ng MAY 02 at
loobin ng Diyos na manalo
si Pacman ay tandaan natin na
tuloy parin ang buhay.

Ang pagkapanalo ni Pacman ay
hindi sagot sa kahirapan…

Ang pagkapanalo ni Pacman
ay hindi sagot para
mabigyan ng hustisya ang
mga dapat makatangap nito…

Ang pagkapanalo ni Pacman
ay hindi makakabawas ng
mga corrupt na politiko…

at marami pa…

Ang labang ito sa MAY 02
ay pwede nating ituring na
isang malaking aliwan para
pansamantalang maipag-paliban
ang mga pang-araw-araw nating
hinaharap sa buhay…

Siguro sa May 02 walang
trapik sa mga oras ng laban
at tulad noong mga nakaraang
laban ni Pacman ay walang
krimen sa mga oras na iyon.

Pero pagkatapos ng mga sandaling
iyon ay muli tayong babalik
sa mundo nating kasalukuyang
hinaharap.

Sana wag tayong dumipende sa
resulta ng laban nila Manny at Floyd
kung ano ang magiging pananaw
natin sa ating lahi. Keh manalo
o matalo si Pacman ay tapos na
ang kanyang misyon kung tutuusin.
Naitaas na niya ang bandera ng
ating lahi sa buong mundo at
itoy kinilala sa magandang angulo.

Ang laban niya kay Floyd ay isang
closing remarks lang para sa akin at
ano man ang maging resulta nito ay
hindi magpapabago sa aking pananaw
na si Manny ang pinaka dakilang
boksingero sa henerasyong ito.

Kahit ano pa maging resulta
KO, TKO or DRAW Saludo! parin
ako kay Manny Pacquiao.

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: