LUMANG LITRATO, PELIKULA, KANTA ATBP

 

Isa sa mga masarap na pam-pa Good Time
ay yoong pagkwentuhan ninyo ang mga nakaraan…

pero paano kung wala kang makausap
na may alam sa iyong nakaraan?

Kung magkagayon eh dito mo magagamit
ang bisa ng mga lumang litrato at ng mga
pelikula’t kanta na tumatak sa iyo sa
mga panahong iyon…

“NAKAKA-OVERWHELM”

Para sa akin yan siguro yung tamang
salita para tukuyin kung ano ang
pakiramdam habang tinitignan o pinapakingan
ang mga lumang kanta o larawan…

Masasabi mo nalang na “ANG BILIS NG PANAHON”
kasi akala mo parang kailan lang pero
halos dekada na pala ang lumipas.

Ang madrama pa dito ay kapag nakita mo
yung isang kumpletong
litrato ninyo ng pamilya o barkada tapos
marerealize mo nalang na hindi na pala
mauulit iyon… na kung saan kung aalalahanin
mo eh noong mga panahong iyon pakiramdam
mo di na kayo magkakahiwa-hiwalay at
sawang-sawa ka na sa itsura nila pero
ngayon kahit anung gawin mo malabo na
talagang makumpleto pa kayo.

Ang Drama noh!? pero ako binabalikan
ko ang nakaraan hindi para maging emosyonal
kundi para ba ipaalala ko sa sarili ko
na ang mga pinagdadaanan ko ngayon ay
kamalaunan magiging isang ala-ala lang rin
at maswerte kung may taong lumingon sa aking
mga nakaraan dahil kahit tayo nga kung minsan
ay nakakalimot tignan ang ating mga dinaanan.
Ang akin lang gusto ko kapag akoy nagbalik tanaw
sa aking buhay ay kakaunti lang ang makita
kung bakas ng “pag-sisisi”. Yung mga mali
at kabiguan ay normal na iyan pero gusto ko
makita na sinubukan ko lahat ng pwedeng gawin
para maitama ko ang mga dapat itama…

Masarap gawin ito kapag libre ka sa oras
mo yung tipo bang alam mong wala ka
ng gagawin sa mag-hapon, kesa sa mag-mall
o maglakwatsa eh bakit di mo lakbayin
pabalik ang iyong buhay? malay mo may makilala
ka sa iyong paglalakbay, makilala mong
lalo ang sarili mo at maging malinaw
sa iyo kung ano at alin ba ang mas dapat
mong tahakin kapag kinabukasan na ang
pinagplaplanuhan.

Huwag kalimutan na magtimpla ng mainit na
tsokolate o kape para may higupin ka habang
nirerepaso ang mga lumang litrato kasabay
na pinatutugtog ang mga lumang awit o musika…

Tapos nyan kung kulang pa eh bakit
hindi mo panoorin ang mga lumang pelikula
na pinanood mo pa sa sinehan noon?

Kapag ginawa mo lahat ito malakas ang kumpiyansa
ko na sa bandang hapon o gabi ang lakas
ng NOSTALGIA mo… YAn ang tamang natural
high tamang Good Time!😀

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: