ANG SARAP MAGING AUDIENCE (LANG)

 

Nitong year 2011 hangang nitong nakaraang
buwan ay naging interesado ang inyong
lingkod na subukan aralin ang pag-gawa
ng musika at maiikling pelikula.
At sa aking pag-aaral aking nagunita
na talagang wala ng sasarap pa
sa pagiging tagapanood o tagapakinig.

Kumbaga sa kusina ang pinaka-okay
ay yung taga-tikim o taga-kain.
Kumpara sa tagaluto, tagatad-tad
o taga-halo.

Isipin mo kasi ganito sa pag-gawa
nalang ng Rap Song una hahanap ka
ng beats tapos mag-iisip ka ng temang
ira-rap mo tapos saka ka magsusulat
ng mga versikulo, pagkatapos mo isulat
ay ipapasada mo ito sa napili mong
beats kung papaano ito isasabay
sa tyempo at kapag medyo sanay
ka na ay saka ka sasalang sa pag-rerecord.
Sa pagrerecord titimplahin mo kung
ayos ba ang reverb or kelangan ng delay
sa boses mo at kung anu-ano pa mga
gagawin mo bago makabuo ng isang
kanta at kapag nabuo na ito ay doon
mo palang huhusgahan kung ayos ba o
hindi.

Sa pag-gawa naman ng maikling
pelikula halimbawa ay docu-film
ay kailangan mong tsempuhan ang
mahahalagang sandali para mahagilap
ng iyong camera, kailangan mo ng
mga taong iinterviewhin at mapapayag
na makiisa sa iyong aktibidades,
ang dali lang pakingan o basahin kung
papaano gumawa ng short film
pero kapag nasa aktuwal ka
na masasabi mo na hindi pala ganun
kasimple…

Kaya namiss ko ng big time yung
mga panahong isa lamang akong
tagapanood at tagapakinig…

Yung tipong naghihintay ka lang na
maaliw ng isang pelikula o
musika… wala ng mas sasarap pa dun!

Akala lang natin na may mas sasarap
pa sa nararamdaman natin bilang
tagapakinig kapag tayo na mismo
ang kumakanta o umaarte sa kamera
na kung saan ay masaya namang
maging singer, rapper or artista
pero kumbaga sa ice cream ay ibang
flavor yun o sa ulam na usapan
ay ibang putahe na kapag dumako
ka sa bakuran ng mga tagalikha
mapa musika, pag-guhit o pelikula.

Iba na ang lasa kapag nasa
posisyon na ikaw ang gagawa
ng ipakikinig mo o ipapanood mo
sa mga tao. Marami kang titimbangin
at papakiramdaman, pagdedesisyunan
mo kung ano ba ipapakikita mo?
yung tunay mong nararamdaman
o yung gusto nila makita o marinig?

Samantalang kung audience ka
ang tatanung mo lang sa sarili mo
ay ano ba trip mo? horror, comedy o action?
O di kaya sa music naman ay gusto mo
ba ng senti o mapaindak?

Ang pangalawang masarap bukod sa
pagiging AUDIENCE ay ang makipag
palitan ng comment… Kung
pangit o maganda ba ang napanood o
napakingan mo…

Kahit naman sa blog masarap yung
tagabasa ka lang yun nga lang
hangang ngayon ganado parin
ako sumulat.😀

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: