ANO ANG DAPAT MONG GAWIN PARA MAGING POGI?

 

Una muna natin dapat malaman at
maintindihan ay…

ANO ANG IBIG SABIHIN
NG POGI? (PHYSICALLY)

Ibig bang sabihin nito dapat
tisoy ka?

Matangos ang ilong

May malagong buhok?

Matipunong katawan?

Meh Abs?

May age limit ba ang
pagiging gwapo?

O dapat meron ka nung
tinatawag na X factor?

Magka-halong OO at Hindi ang
sagot dito eh.

Kasi kung titingin nalang
tayo sa showbiz. Hindi lahat
nung tinatawag nilang Matee ni
Idol ay tisoy, matangos ang ilong,
may abs o may X FACTOR.

Sa mga kalbo naman kung natatandaan
ninyo naging trending ang kalbo
noon nung nagpa semi kalbo si
Brad Pit sa Mr. & Mrs. Smith
at syempre nung pumatok yung
mga pelikulang Fast & FUrious
ni Vin Diesel. Hindi mo masasabing
matee ni idol si Vin pero hindi
mo rin masasabing wala siya sa level
na iyon…

Hindi rin purke mga bata
eh “POGI” na! minsan nga
kung kelan nagka-edad ay
doon nagka-itsura.

Magulo ang ibig sabihin
ng POGI lalo na kung
kukuha ka ng isang basehan
sa mga artista para sabihing
ito ang model para masabing
pogi ang isang tao.

Kaya hayaan ninyong ibahagi
ko sa inyo ang aking natutunan
mula sa punto vista ng kababaihan
at sanlibutan kung ano ang ibig
sabihin ng pogi.

Napaka simple lang pala yung tunay
na ibig sabihin nung Pogi eh.
Actually dalawang salita lang
ay sapat na para tukuyin kung POGI
ka! at ito yun…

MALINIS AT MAAYOS= POGI

Yan na yun!

Madali lang maglinis ng katawan,
madali lang maintindihan ng
kapwa mo kung malinis ka o hindi…
minsan nga di na kelangan ng
mata dahil sa amoy mo palang
alam na kung malinis ka o hindi.

Pero yung pag-aayos akala
natin kung ano maayos sa atin
ay maayos rin sa iba, pero
hindi pala. Minsan yung salitang
MAAYOS ay pinapalitan ng salitang
PORMA, FASHION or STYLE.

Liliwanagin ko rin na hindi purke
sa mata ng iba hindi ka MAAYOS,
MAPORMA, FASHIONABLE or STYLISH
ay ibig sabihin na kaagad noon
totoo na nga ang opinyon nila…
MAgulo ano?…
Isa itong diskusyon na tatagal
magpakailanman…

kasi kapag ang usapan ay “MAAYOS”
ang tanung bago ka mag-ayos kaninong
punto vista ang gagamitin mong
basehan? kasi may mga taong
para sa kanila MAAYOS or MAPORMA
ang maraming burloloy at may mga
tao naman na para sa kanila mas
konting burloloy mas mainam.

Syempre kung mag-aayos ka
sundin mo kung ano yung “tunay”
mong gustong ayos hindi yung
dahil purke yun ang uso ay
yun ang susundin mo, sundin mo
kung ano trip mo.

Naniniwala ako dun sa nakasulat
sa biblya na…

He (God) has made everything beautiful in its time. Ecclesiastes 03:11

Wala naman talagang pangit sa
atin iba-iba lang tayo ng itsura
talaga. Naprogram kasi ang isip
natin noong bata pa tayo na kapag
may “weird looks” automatic masama
or pangit imbis na i-categorize
nating “different” or something
to take time so we can understand.

ngayon tumungo na tayo sa tanung ng
artikulong ito.

ANO ANG DAPAT MONG GAWIN
PARA MAGING POGI?

Sa totoo lang ang sagot WALA.
DAhil technically Pogi ka na
naman in your own ways pero ang
tanung siguro ay may pinagpapa-pogian
ka ba? kasi kung meroon ang tanung
ano ba ang basehan nila sa “pogi”?

Tapos ang sunod na tanung ay
handa ka ba na baguhin ang sarili
mo para sa kanilang “approval”?

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: