ANG PINAKA IMPORTANTE SA BUHAY AY ANG KABIGUAN

 

Sawa na kasi akong mabasa o marinig
na ANG PINAKA IMPORTANTE DAW SA BUHAY
AY “MASAYA” KA!

Pero kidding aside after
many years right now
I am confident to say
that FAILURE IS THE SECRET…

Secret for happines
Success
Strenght
Wisdom
etsetera etsetera etsetera…

Mula sa failures o mga Kabiguan
dito tayo natututo… Dito
tayo sumusubok ng bago, mula
sa kabiguan nagsisikap tayo
umasenso mapa physical, pinansyal
mental o espiritual…

Tulad ng lagi kung sinasabi
hindi ko nirerekumendang
sadyain o puntiryahin mong
mabigo ka dahil isang malaking
kalokohan ito… Ang ninanais
kung ipunto ay huwag  mong
hayaang maging balakid ang
ideya ng kabiguan sa mga gusto
mo sa buhay…

Halimbawa nalang sa pagsubok
sa bagong larangan o pagpasok
sa bagong relasyon maaring
nangangamba ka na hindi “mag-work-out”
ang ideya pero sa kabilang
banda naniniwala ka na may pag-asang
magtagumpay ang plano mo, kumbaga
ang sitwasyon nahahati sa dalawa
ang isip mo, isa sa gusto at isa
ay ayaw dahil napipigilan ka
ng ideya tungkol sa “kabiguan”
sa ganitong sitwasyon pumapasok
ang gusto ko ipunto… LET YOURSELF
FAIL!

Ituloy mo ang plano mo o gusto
at kung mag-work-out edi masaya!
kung hindi naman at least magkaroon
ka ng ideya kung bakit hindi
nangyari ang pinlano mo…

Hindi kapintasan ang magkaroon
ka ng loss sa record mo. Kumbaga
sa boxing aanhin mo yung zero loss
ka at 100 ang wins mo pero alam naman
ng mga tao na yung mga 100 na iyon
eh kung tutuusin hindi mo ka-level?

Parang lumalabas eh niloloko mo
lang ang sarili mo nun di ba?

Pero baligtarin natin ang sitwasyon
at ibahin ng kaunti ang istorya
paano kung yung isang boksingero
na maraming talo tapos isang laban
niya tinalo niya yung Champion? o
isang boksingero na malakas at mabilis?
Ano masasabi mo dun? Wow di ba?

Kahit sabihin mo na kakaunti lang
ang panalong nakatala sa record
mo pero yung mga panalo naman na
iyon ay big time mas maganda pakingan
yun di ba?

Ang totoo nito lahat tayo matatalo
at matatalo ng matatalo kahit
ba manalo na tayo ay dadating
parin ang oras na makakatikim tayo
ng kabiguan… Dahil habang
buhay tayo ay hindi tayo titigil
matuto at mula sa kabiguan dito
tayo natututo, dito natin nakikita
kung ano yung tama, mali, sobra
o kakaunti…

Sabi nga ni Sylvester Stallone
sa Rocky VI

“Nobody can hit harder than
life, but it aint about hitting
but being hit and keep moving forward.
Being Hit and keep moving forward”

Ito pagkakatanda kung sinabi niya…

Good day!

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: