MADALING GUMAWA NG RASON, MAHIRAP MAGDESISYON

 

Paano ba tayo gumawa ng
desisyon?

Ang ginagawa ko noon
ay kumalap ng mga rason
kung bakit ko dapat
gawin o hindi dapat
gawin ang isang gawain…

Kayo marahil ay ganito
rin ang ginagawa nyo
at maaring tulad ko rin
kung minsan nahihirapan
kayong magdesisyon kung
alin ang pipiliin ninyo
kahit na maraming rason
ang nalalaman ninyo, minsan
pa nga ay mas lalong
mahirap mamili kapag
maraming rason!

Maling pakingan pero
para sa akin parang mas
epektibo, na kung minsan
kapag walang rason at
basta mo nalang dinesisyunan
ay maganda pa ang nagiging
resulta.

Siguro naranasan nyo nang
mamasyal o mag-outing ng
walang plano yung tipo
bang basta-basta nalang
kayong umalis at bahala
na kung anung lugar kayo
pupunta. Parang mas masaya
pa iyon kesa sa mamasyal
o mag-outing na Planado di
ba?

MAgtatanung ka nga minsan
bakit mas trip pa natin
yung ganun? May problema
ba tayo sa pag-iisip?
Hindi naman siguro tamang
gawan ng conclusion na
may problema sa pagiisip
yung mga taong masasaya.😀

Pero sa totoo lang
napansin ko na sa pag-pili
ay parang nakakagulo yung
pagtitimbang kung alin
sa mga pinamimilian mo yung
may mas mabigat na rason.

Parang ang nangyayari kasi
ay pabilisan sa pag-gawa
o pag-iisip ng rason sa
mga pinamimilian at kung alin
yung pinakamaraming rason
ay iyon ang naiisip nating tama.

Kung pag gawa lang ng rason
ang usapan ay madaling gumawa
nito pero ang tanung eh anung
uri ng rason ang nagawa mo?
mataas ba kalidad o parang
class A, Class B lang
sa Divisoria?

Tinanung ko rin ang sarili ko
na bakit ko ba kelangan timbangin
ang mga rason? Para ba
maiwasan ko na magkamali sa pipiliin
ko at huwag magsisi?

Pero ayon sa aking karanasan
hindi ka parin nakakatiyak
kung tama ang pipiliin mo
kahit na mabibigat at matataba
ang mga rason mo. Malalaman
mo lang kung tama nga ba ang
inaakala mo kapag nakapamili ka na.

Kaya parang lumalabas na
huwag tayo masyado ma-obses
sa pagtingin o pagtitimbang
ng rason, dahil tayong mga
tao ay likas namang matatalino,
alam o ramdam natin kaagad kung
ano gusto natin pero yun nga lang
minsan nagdadalawang isip tayo
dahil nagpapa-apekto sa kakaunting
takot. Kung ano yung nararamdaman
mong dapat ay yun ang piliin mo,
kung magkamali ka man ganun talaga!
Dahil mas mainam na magkamali ka
sa pagpili kesa sa magkamali ka
dahil hinayaan mo na iba ang pumili
sa iyo.

Sa huli hindi ako tutol sa
pagtitimbang ng mga rason. Ang akin
lang kung pabigat ang gawaing ito
sa iyo eh minumungkahi ko na laktawan
ito at dumiretso na agad sa pagpili!

Oh ano nakapali ka na ba?

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: