DATI NANDITO LANG SILA NOON (TULA)

 

Ito’y tula para sa
mga kasamahan ko sa
kumpanya noon
na wala na ngayon

Ang iba ay nagretiro na
samantalang ang iba ay
umiba lang ng lokasyon

Tuwing pagkatapos ko mag
lunch ay tumatambay
sa may lobby

Di ko maiwasang kayo’y
sa aking isipan ay
madalas sumasagi…
Parang kelan lang kung
papakiramdaman ko

pero kapag kinuwenta ang
panahon mapapailing nalang
ako

Ang tagal ko na rin pala
halos magsasampung taon na-

marami ng nangyari, may
aksyon, kumedya at drama
na naganap dito sa kumpanya

Lalo na kapag may pa-liga

Akala ko noon para kayong
mga demi-God

Na parang naririyan lang
at imposibleng umalis agad-agad

Pero ako’y nabigla ng
masaksihan na kung minsan
ang iba sa inyon sunod-sunod
kung mamaalam.

Syang tunay nga na mananamnam
mo lang ang presensya ng
isang tao kapag ikay iniwan

Akin lang babalikan sandali
ang mga tumatak na ala-ala

Lalo na kapag akoy nakikinig
sa inyong pag-bangka sa kantina

Puro kantyawan at puno ng tawanan
Updated sa balita at tsismis
kahit minsan nakakainis

Pero ngayon iba na ang sistema
parang yung mga tradisyong
salo-salo’y nagbago ng mabilis.

Dati nandito lang kayo
pero ngayon sa facebook
ko nalang makikita ang mga
mukha nyo
Sana sa inyong pag-alis ay
napabuti kayo sa pinasok ninyong
bagong pinto
Kagagaling ko lang sa pagtulog
nung itoy aking sinulat

Araw ngayon ng Martes dito
sa Saudi, ng maisip ko ang tula
at pamagat.

Maaring wala na ang presensya
nyo pero ang ala-alang
naiwan ay mananatiling naririto
sa puso ko. Salamat!

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: