SA PAGTANDA

 

Bakit ba bahagi ng buhay
natin ang mag-alala sa pagtanda?

Eh mula naman nung tayo’y
isinilang o nabuo sa sinapupunan
ng ating mga ina ay mula
doon tayo’y tumatanda na…

Mula sa proto-plasm na naging
fetus at nabuong bata hangang
sa tayo’y iluwal ng ating
mga mahal na ina sa mga pagkakataon
na iyon tayo ay tumatanda na-
Laging tumatakbo ang orasan kung
meron man-

Ang mga kasing edaran kung artista
na para bang noon ay parang
maala-forever ang kanilang persona
ay ngayon nakikitaan ko na ng
mga ibidensyang sila man ay
inaabutan na ng “katandaan”

Lahat tayo tatanda, parang rin
yang usapang “kamatayan” lahat
tayo papunta dito ang tanung
lang ay tangap mo ba? kung
hindi ay alam mo ba kung ano
ang dahilan bakit ayaw mo
itong tangapin?

Ang marahil na kasagutan
ay dahil may mga bagay ka pang
hindi nagagawa at ayaw mong
datnan ka ng iyong katandaan
na kung saan di mo na kayang gawin
ang mga ito. Ang problema ay
may mga taong ayaw harapin ang
katotohanan kung ano ba talaga ang
gusto nila dahil naiintindihan ko
rin na kung minsan ang katotohanan
ay napakabigat para itoy pasanin…

Ganun pa man wala namang masama kung
itoy unti-unting buhatin, sanayin
kung papaano ito dalhin at naniniwala
ako na kamalaunan ay gagaan rin.

Isang araw nanaman ang dumating, lilipas
at darating… Imbis na simangot ay pasasalamat
ang ating sabihin dahil hindi lahat ay
nagkakaroon ng pagkakataong magkaroon
pa ng isang bagong araw na sa buhay nila’y
dumating….

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: