BUHAY MINIMAL (Minimalism)

 

Hindi animal hah!

Minimal

Minimalism

Mula noong year 2008 hangang
2014 ang buhay ko bilang isang
manlilika o “artist” ay
para bagang namumukadkad na
bulak-lak. Ang dami kung
sinubukang gawin at kahit
papaano naman ay naging
katangap-tangap ang mga
naging resulta.

Kaya lang parang sasang-ayon
na ata ako doon sa kasabihang

“YOU CAN DO ANYTHING
BUT YOU CANNOT DO EVERYTHING”

Positibo akong tao
at bilang isang typical
na positibong tao
eh naniniwala tayo na
lahat ng hamon ay
kayang kayanin at ang
pagtigil ay isang sinyales
ng pag-suko at ang
pag-suko para sa mga positibong
tao eh hindi ideyal
para maging bahagi ng
kanilang pamimiliaang hakbang.

Pero paano kung dumating
ka sa punto na kelangan
mo ng tumigil o kailangan
mo ng isuko ang isang gawain?

Hindi dahil sa hindi mo na
kaya kundi hindi mo na kelangan
at kinakailangan mo ng magbawas
ng responsibilidad para matugunan
ang ibang gawain ng sapat na
attensyon.

Nitong mga nakaraang taon ay
natutuhan ko kung papaano
magpatakbo ng isang recording
studio at gumawa ng mga kanta,
natutuhan ko kung papaano
gumawa ng mga mumunti at
maiikling indie flick film,
syempre naging isa akong
writer ng marami-raming
paksa saka speaker narin,
gumawa ng instrumental
beats in digital method,
photography in low and mid
level at halos papasukin
ko na ang pag-aartista….:D

Nitong nakaraang 2013-2014
ay muli kung binisita
ang aking kinahihiligan
noong sports at ito ay basketball
nagkaroon ako ng opurtunidad
na maging bahagi ng team management,
coaching staff at pagiging
manlalaro ulit.

Kung itutuos ay isa akong

Writer/Director/RAPPER/Musician/Actor/
Player/Speaker/Coach

Ang sarap pakingan, intimidating
pero kamusta naman? nagagampanan
ko ba ang mga dapat gampanan
ng isang tunay na Director, Writer,
Musician, Player, Speaker, Coach,
Rapper at actor?

Ang nakakahiyang sagot ay “HINDI”

Akala mo purke maraming titulo
ayos na? Mahirap sa isang
artist na tawagin siya sa isang
partikular na larangan pero
hindi naman niya ito natutugunan.

noong una akala ko ayos yung
ganito na marami kang pwedeng
gampanan pero hindi pala.

May kasabihan nga na

“MORE IS LESS, LESS IS MORE”

Minsan sa dami ng responsibilidad
mo may napapabayaan ka o di kaya
ay lahat sila napapabayaan mo kapag
nagka-kontra-kontra…

Samantalang kapag tama lang
eh lumalabas na mas marami ka
pang nagagawa kesa sa taong
maraming titulo.

Halos walang pinagkaiba sa materyal
na bagay o partikular ay sa damit.

Minsan parang ang hirap mamili
ng isusot kahit na tambak-tambak
ang damit na pamimilian pero
kapag iilang piraso lang ang damit
ay hindi publemang magdesisyon
kung ano isusuot.

Sa naranasan ko parang nagiging
kumplikable ang sitwasyon kapag
dumadami. Kahit sa relasyon
na pang pamilya, kaibigan o
sa karera kapag hindi mo nailaan
ng naaayon sa iyong kapasidad
ang dami ng mga taong dapat mong
pakitunguhan ay kung minsan ay
magiging problema mo kung saan
ka kukuha ng lakas para matugunan ang
attensyon na kanilang kailangan.

Halimbawa nalang sa Facebook
account mo. Sa una ang gandang tignan
na ISANG MILLION ang kaibigan mo
pero ang tanung sino sa kanila
ang tunay na nakaka-alam ng kaarawan
mo? minsan nga kahit naka turn-ON
pa yung birthday notification mo
ay wala pa sa kalahati nung mga di
umano “friends” mo sa facebook
ang babati sa iyong kaarawan.

So sa kamakahulugan ay inuukupa
lang ng mga halos 80% na pekeng
tao ang iyong listahan, mas okay
pa sa akin na 50 friends lang
pero lahat ay totoong tao at
syempre higit sa lahat totoong
tinuturing kang kaibigan.

Kaya sa taong ito isa ito sa
mga number one na ginagawa
ko sa halos lahat
ng aspeto ng buhay ko…

Bawasan ang mga sobrang di
kailangan at Simplihan
ang mga bagay na simple lang
naman talaga dapat.

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: