LIHIM (TULA)

 

Lihim…

Lahat tayo meron nito
Ang magsabing hindi

Siguradong di nagsasabi
ng totoo…

Ang lihim kung minsan
nakakapagdulot ng sakit

May panahon ding
inililigatas ang
taong maiipit

Totoong nagpapalaya
ang katotohanan

Ngunit siyang tunay
rin ang kasabihang
“pana-panahon lang”

Na kung saan may
tamang oras na
dapat abangan

At sa pagkakataong
iyon dapat mong
ibandera ang nalalaman
mong katotohanan!

Ang lihim kung minsan
ay nakamamatay

Mas mainam na di mo
narinig para ikay
walang ideya o walang
malay-

MAy lihim na kulay
puti at kulay itim

Nagiiba ang kulay
dipende kung paano
naitanim

Nawa ang lihim ay
di naglalaman ng ingit

dahil pag ito ang kinimkim
ang sugat ay umuukit

Ang lihim ay di pang
habang buhay na maitatago

Dadating ang oras ng pag-bunyag
kung hindi ang kalidad nito’y
maglalaho…

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: