ANG MITOLOHIYA NG KAIBIGAN

 

Ang artikulong ito ay para sa
lahat ng mga naguguluhan at
nagtatanung kung bakit sa kabila
ng inyong magandang samahan ay
nagawa pa kayong TABLAHIN ng
di umanoy tinatawag ninyong “KAIBIGAN”

Malalalaman ba natin kung
ang kasa-kasama mo ngayon o nakakasabay
mo sa mga pang-araw-araw na gawain o
di kaya ay mga kapamatok mo sa iyong
mga paniniwala at hilig o libangan ay
maisasama mo sa kategoryang kaibigan?

Meroon bang sukatan? o di kaya
ay timbangan? At kung meroon man
ay ano dapat ang haba o bigat nito?

Ayon sa aking karanasan ang Titulong
KAIBIGAN ay may ibat-ibang pamantasan
pero di ibig sabihin nito kapag nakapasa
na ang isang tao sa isang partikular
na pamantayan para maging kaibigan ay
maituturing mo narin siyang “MABUTI”,
“TOTOO” o “MAPAPAGKATIWALAAN” na kaibigan.

Alam nyo kasi ang titulong kaibigan ay
pwe-pwede naman nating ipamahagi ito
kung kani-kanino, ang buhay ay para
ring negosyo kung paminsan-minsan
kelangan mo mamuhunan ng kakaunting
tiwala sa mga taong nakakasalamuha mo
at dapat maging mapag-masid ka mabuti
para malaman mo kung sino at alin
sa mga pinondohan mo ng tiwala o pag-ibig
ang nagbabalik sa iyo ng higit pa sa
ibinahagi mo o di kaya ay kung sino
ang nagsusukli nito at lalung-lalo
na malaman mo kung sino ang umaabuso
sa pinamamahagi mung tiwala at pag-ibig.

Di ko sinasabing maging madamot o kuripot
kayo sa pamamahagi ng tiwala at pag-ibig
ang pinupunto ko ay maging ALERTO kayo
sa pagmamasid kung sino ang nagbibigay
halaga o umaabuso, hindi para sila ay husgahan
kundi para ikay manatiling nanghahawak
ng pinakabagong impormasyon ng sa gayon
hindi ka mabigla sa mga pangyayaring
magaganap.

Ang mitolohiya ng kaibigan ay
tinuturing natin ang isang tao na para
bagang kamag-anak o kadugo na natin.
Ayus iyon pero ang malabo dito ay
ano ba ang turingan ng magkakamag-anak
o mag-kakadugo? ibig mo bang sabihin
nito eh loyal na sila sa isat-isa
at bawat salitang bibitawan sa iyo
ay iingatan noong taong nagbitaw
nito sa iyo na tinuturing mo rin
namang kaibigan o parang kadugo narin?

Totoo na may mga mag-anak na solid
ang relasyon pero maniwala ka man
o hindi eh may mga mag-anak o
magkaka-dugo rin na ang relasyon
ay masahol pa sa liquid dahil napaka
formless at ang mas masama pa
ngang balita diyan baka hindi lang
liquid kundi mas maihahambing mo
pa sa GAS as is wala! parang malas
naman at sila ang nakamag-anak mo pa.

Personally may mga kamag-anak
ako ng nasa kategory ng GAS at may
mga kamag-anak rin ako na talaga
namang SOLID kung solid ang relasyon.
Kaya siguro madali akong
nakaintindi sa mga
taong tinuring kung kaibigan.

Kung ikaw ang taong umaasa
sa kaibigan mo ay ngayon palang
sinasabi ko sa iyo na balang araw
masasaktan ka. Kasi darating ang
araw na mabibigo ka sa inaasahan
mo sa kanila o sa kanya maliban
nalang kung niloloko mo sarili mo
at nagpapaalipin ka.

Ang MABUTING kaibigan ay yung
katuwang mo sa iyong layuning
pag-asenso keh ano pang larangan iyan
pero kung ikaw mismo
walang malinaw na LAYUNIN sa buhay
ay malabo na mahanap mo ang
MABUTING kaibigan, oo magkakaroon
ka ng kaibigan pero yun lang
di mo masabi kung mabuti nga ba
siya o hindi dahil di mo malaman
kung nakakatulong ba siya sa
paglago mo o nakakasagabal lang.

Hindi ko sinasabing MANG-GAMIT
kayo ng tao, siguraduhin ninyo
na nakakatulong ang kaibigan
nyo sa inyo at syempre
responsibilidad natin na malaman
kung paano natin siya tutulungan
pabalik. Yung tulong na sinasabi
ko eh hindi lang lumilimita sa
isang partikular na bagay, gawain
kundi itoy isang malawak na ideya.
May mga taong maaring hindi ka
nga natutulungan kumita ng pera
pero siya lang ang nagpapatawa
sa iyo at mula dito nakakakuha
ka ng inspirasyon na gawin ang
iba mong mga hilig.

Pero tandaan ninyo na iba ang
MABUTING kaibigan sa TOTOO
o MAPAGKAKATIWALAANG kaibigan.

Sasang-ayon ako na hindi natin
maiaalis sa ating sarili na
ituring na totoong kaibigan
yung mga kaibigang itinuring
nating mabuti pero para sa akin
ay huwag ninyo ibigay lahat
ng inyong tiwala dahil ibang-iba
yung mga taong nasa kategory
ng MABUTI sila yung mga taong
umiimpluwensya o tumutulong
sa iyo para maging mahusay
ka sa isang partikular na gawain
pero kapag ang usapan ay
TOTOO o MAPAGKAKATIWALAAN ay
isang bagong kurso na ito
bilang pamantayan sa isang
tao o kaibigan.

Dito nga nagkakaroon ng isang
malalim na sugat ang isang
relasyong magkaibigan o
magkakaibigan. Kasi akala
mo purke naging MABUTI
kayo sa isat-isa ay mapag-
kakatiwalaan nyo narin
ang isat-isa pero hindi pala.

Para kasing ganito yan
yung isang tao pinagtapos
mo ng kursong Engineering
pero kamalaunan ang binigay
mong trabaho eh Accounting
tapos magtataka ka bakit
sa kabila ng pag-aaral
ng taong ito eh hindi niya
magawa yung binigay mo na
trabaho.

Ngayon paano po ba masasabing
TOTOO o MAPAGKAKATIWALAAN ang
isang kaibigan? Malalaman
mo lang iyan kapag nasubok mo
na siya. Walang matibay na basehan
para masabi mong TOTOO o MAPAGKAKATIWALAAN
mo ang isang tao maliban nalang
kung minsan ay sinubukan mo siyang
pagkatiwalaan. Kaya nga ganun
nalang dapat nating pahalagahan
ang mga taong naging TAPAT
sa atin dahil di biro malaman
ang kanilang kapasidad pagdating
sa pagpapahalaga ng tiwala dahil
kailangan mong sumugal bago mo
makumpirma ito.

Di ko parin gaano maipaliwanag
ng malinaw hangang ngayon bakit
may mga taong mabuting kaibigan
pero hindi ganoon kahusay para
pagkatiwalaan.

Ang mitolohiya ng kaibigan
ay hindi purke mabuti ay
mapagkakatiwalaan na pero
hindi naman impossibleng
mangyari ito bagamat
dapat nating isa-alang-alang
ang kaibahan ng dalawa
ng sa gayon huwag masayang
ang ating panahon sa kakaisip
at kakatanung na…

Bakit ganun? Akala mo mabuti
siyang kaibigan pero di ko
pala mapapagkatiwalaan!

Good day po!

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: