FEED YOUR MIND! PANO DAW YUN???

 

The way we feed our soul is the
same way we feed our mind I would
say…

Thru listening, reading, seeing
and what we act.

Kaya nga sabi ng mga matatanda
noon sa akin ay piliin mo
ang iyong mga makakasama dahil
malaki ang naiimpluwensya nito
sa pagkatao mo.

Dati kinaasaran ko yung mga
taong di naman sosyal o matalino
pero nagsasasama sa mga sosyal
at matalino pero alam na alam
namin na cowboy sya at bulakbol
na katulad ng mga kasamahan ko
pero ngayon naiintindihan ko na…

It’s a major mistake in my part.

Akala ko kasi mali ang makihalubilo
sa mga taong hindi ko katulad pero
ang hindi ko nagunita noon ay mas
mali pala na hindi ko samahan ang
mga taong hindi ko kapareho ng
tunay kung interess.

Dun nalang sa paglalaro ng basketball
dati napayuhan ako ng classmate
kung varsity player na kung
makikipaglaro ako ay makipaglaro ako
sa mga varsity at huwag dun sa mga
kung sino-sino lang sa kanto dahil
makukuha ko lang raw ang mga
laro nun at hindi ito makakatulong.
Matigas ang ulo ko noon at hindi ako
nakinig at pinagpilitan ko yung
paniniwala ko o gusto ko na makipag-
basketball sa mga kanto boys at
doon ako matututo at makakatulong
ito sa improvement ko… Pero
kamalaunan mali ako… tama ang
classmate ko at ngayon ko lang
tinangap ang pagkakamali na iyon.
Imagine 4th year highschool pa kami
dati nung pinayuhan niya ako 15
years na ang nakalipas bago ko
tangapin ang pagkakamali kung iyon
pero ang bright side ay matibay
ang konklusyon ko na malaking
bagay talaga kung sino ang nakakasama
mo dahil sa ayaw mo o gusto malaki
ang kontribyushon nila sa paghubog
ng iyong pagkatao.

MUSIC, READING AND WHAT YOU SEE

Nasabi ko na malaking bagay
ang taong nakakasama mo dahil
sila ang pinaka malapit na nilalang
na gumagawa ng tunog, symbolo at
aksyon. Lahat ng mga tumutunog
ay naghahatid ng mensahe sa iyong
utak at ang mensahe na ito ang
nagsisilbing pagkain ng iyong
utak na kamalaunan nagiging impormasyon.

Pare-pareho lang ang proseso
yung mga nakikita mo, nararamdaman,
naamoy, naririnig lahat ng iyan
ay mga pagkaing tumutulong para
tumakbo ang iyong isip, ang isip
ay kailangan ng mensaheng iisipin
na kamalaunan ay magiging impormasyon
na kamalaunana ay magiging mensahe
at gagawin nanamang impormasyon,
paulit-ulit lang yan sa pagkakatinidi
ko.

Ngayon tulad rin nung katawan
natin ay mapapanatili nating buhay
ang ating katawan sa pagkain ng
kahit anung magustuhan natin pero
hindi ibig sabihin purke nakakakain
ka at buhay ka ay katumbas nito ay
malusog at malakas ang iyong katawan.
Kasi kung wala naman sa hulog ang
mga kinakain mo ay maaring kamalaunan
magkasakit ka pa pagdating ng araw.

Halimbawa ang pagkain mo ay sobra na
matataba, matatamis, maalat at halos
puro pinrosesong pagkain na hindi
mo malaman kung paano nauwi sa ganung
itsura iyon.

Ganun din sa pagpapakain ng isip
ng tao. Kailangan nga natin ng mga
iisipin, at mapunan ang ating
curiosity kaya nga kung mapapansin
mo likas sa atin ang magkaroon
ng mga hobby bukod pa sa mga
trabaho at negosyo natin, dahil
para ring pagkain ng katawan
iyan, may main dish (trabaho/career)
at desert (Hobby)

Pero ang tanung ay alam mo ba kung
ano ang pinakakain mo sa isip mo?
Alam mo ba kung anung uri
ng tao ang mga kasama mo?
Sila ba eh mga reklamador
at walang kridibilidad?
Kumbaga sa pagkain eh
ito ba eh mga sobrang
tatamis at masyadong
matataba?

Nakakatulong ba ang mga
ito para tumagal ang buhay
mo o nakakatulong ba ito
para mahubog mo ang ideyal
mong pagkatao? Pero teka
meroon ka nga bang ideyal
na pagkatao? okay kung
wala sabihin nalang natin
na kunware meroon kang ideyal
na pagkatao at ang ideyal
mong pagkatao eh nasa
katauhan ni Jake Cuenca (kunwari lang)

Sabihin nating gusto mo
magkaroon ng katawang maala
Passion De Amor (physically
speaking) at kung ihahambing
ito sa modelo na pagiisip
ay gusto mo ng isipang nasa
estado na magiting, malakas
at kalmado.

Ngayon physically speaking
kung ang pinapakain mo sa
katawan mo ay mga unhealthy
foods sa tingin mo kaya
mararating mo yung maala
JC na katawan? Rhetorical
question diba?

Ganun din sa sa isip yan,
kung ang mga ipaparinig,
ipapakita at pagtutuunan
mo ng attensyon ay mga
impormasyong mag-aakay
sa iyo sa madilim na
pagtingin sa kinabukasan
ay malabo mong makamit ang
isip na nasa estadong
magiting, malakas at
kalmado.

Sabi nga sa computer
garbage in/ garbage out.

Sa katawan natin alam naman
natin kung ano yung mga
pagkaing basura
yan yung sobra taba, tamis,
alat atbp. pero aaminin
ko masasarap iyan at may
panahon ako na puro lang
ganito ang kinakain ko
wala akong cheat day
kundi Season to Cheat (sa pagkain)

Pero going back sa isip
alam mo ba kung ano mga basurang
pagkain ng isip?

Ito mga iyan

1) Balita tungkol sa patayan/Politika/publema
2) Tsismis
3) Reklamo/Pagdadahilan

Bata palang tayo lalo na yung
mga katulad kung ipinanganak
ng 80’s eh parte na ng buhay
natin yung balita. Para sa
akin dapat paminsan-minsan
lang tayo tumutugon diyan
malakas kumain ng oras yung tatlong
bagay na sinabi ko sa itaas.
Sa totoo lang para maiwasan mo
ng 80% ang tatlong nabangit ko
sa itaas ay iwasan mo manood
ng telebisyon. Mag 9 years na
mula noong sinimulan ko tigilang
manood ng TV at ang epekto eh
feeling ko ay para bang kontrolado
ko buhay ko, hindi tulad nung ibang
taong naka-hook sa balita ay
tila ba para silang nasa ilalim
nung kapangyarihan ng media, saka
isa pa pansin ko yung mga taong
tutok sa balita at telenovela
ay kapos sa oras dahil di nila
alintanang maraming oras ang
kinakain yung TV na di nila
namamalayan.

Hindi naman demonyo ang TV
pero kapag hindi mo nakontrol
ay ikaw ang kokontrolin nito.
Nakaka-addict ang TV at mahirap
talaga itong tangalin sa lifestyle
natin lalo na at isa kang OFW
na nagiisa lang madalas. Pero kung
interesado ka na makamit ang ideyal
mong estado ng pagiisip ay gagawin
mong masiguradong malayo ka sa mga
posibilidad na makasira sa iyong
paghahanda. Kumbaga sa isang
atleta, kapag mayroong pinupuntiryang
makuha na record o may nalalapit
na laban ay pansamantala nitong
tinatalikuran ang mga gawang
hindi makakatulong sa kanyang paghahanda.

Kung gusto mo na ma detox
ang isip mo ay nirerekuminda ko
na subukan mong paunti-unting alisin
o bawasan ang panonood ng TV. Subukan
mo na sa loob ng isang lingo sa isang
beses ka lang manood, tapos subukan mo
sa isang buwan isa lang hangang
sa masanay ka na katulad ko na
hangang ngayon walang TV. Sinubukan
ko noon manood ulit pero nawala na
ang gana ko dito ginawa ko nalang
monitor ng laptop ko at kamalaunan
ibinenta ko na.

Ngayon itatanung mo ano na pagkakalibangan
mo? Madali lang ang sagot diyan kung
may ideyal ka na pagkataong gusto mo makamit.
Bago mo makamit iyon marami kang babasahing
libro at pag-aaralan, marami kang oras na
dapat igugol sa pagsasanay physically or mentally
kaya kahit nga wala ng TV sa buhay ko ay
parang kulang na kulang parin ang oras ko.

Simpleng suhestiyon sa pagpapakain ng isip
ay tandaan mo kung ano gusto mo maging o
magkaroon ng modelo at base sa kanila
sa tingin mo ano mga binabasa nilang libro?
Ano pinapanood nilang comfort film? ano
kinakain nila at ano programa nila sa
pag-eehersisyo?

Dito ka muna magsimula at yung mga susunod
sigurado ako mage-gets mo na para lang ako
noon.

Goodluck!

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: