SWELDO AT BAKASYON

 

Sa buhay empleyado kung minsan
dumadating ang masalimuot
na sitwasyon na kung saan
dapat mong gawin ang mga bagay
na kakaiba sa ginagawa ng
mga empleyadong may normal
na buhay.

Kung ang normal na empleyado
ay nagta-time-IN ng 0800AM
at umuuwi ng 0500PM minsan
kelangan mong pumasok
o papasukin ang iyong mga
kasama ng maaga pa sa 0800AM
at pauwiin ng lagpas ala-singko
dahil kinakailangan ng kumpanya.

Ang mga empleyadong tulad
natin ay walang magagawa kundi
sumunod muna bago magtanung o
magreklamo lalo na nga at
malaki ang kaugnayan ng gawing
ito sa kumpanya.

Pwede mong laruin ang schedule
yung pang-umaga gawing pang-gabi
o vice versa at dag-dagan
pan-samantala ang kanilang trabaho
na higit pa sa nakasaad na
pinirmahan ninyong kontrata.

Pero wag na wag mong tatangkain
kahit sa salita na paglaruan
ang SWELDO at BAKASYON ng
isang empleyado.

Dahil sigurado na magkakaroon
ka ng problema o mga problema.

Ang SWELDO, BAKASAYON at mga
BENEPISYO ng isang empleyado
ay maraming sinisimbolo kung
kaya dapat itong pahalagahan
ng buong ingat.

Ang pagwawalang bahala
sa pasweldo, bakasyon at
mga benepisyo ay maaring maging
sinyales ng pambabastos, pangmamaliit
o di kaya ay paglapastangan
sa isang empleyado.

Kaya kung ikaw ay isang
Amo o karaniwang empleyado
ay huwag na huwag mong gagawing
biro ang mga bagay na ito dahil
maaring di ka nga magkaproblema
sa partikular na empleyado
pero may ibang problema ang
darating sa iyo.

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: