KAILAN DAPAT MAGPALIT NG PROFILE PIC SA FB?

 

Yung pagkakaroon ng Facebook,
Twitter at Instagram ay mga
pangangailangan na sa
ating lipunan. Kung
dati rati luho lang kung
tignan ang mga ito eh
ngayon halos parang nagiging
bahagi na ng ating pagkatao…

Kahit anung account pa
ang pinaguusapan natin
hinding-hindi mawawala
yung hingian ka ng litrato
dahil ang iyong litrato
ang magsisilbing isa o
pangunahing kakilan-lan
ng iyong account.

Madalas na nagiging
tampulan ng biruan ang
profile picture keh
ikaw yung taong palit
ng palit ng litrato
o di naman kaya ay
yung taong simulat sapul na
kauna-unahang ni-lauch
ni Mark Zuckerburg ang FB
eh yun na ang litrato
mo hangang ngayon sa
kabaila nagpakalbo at
nagpahaba ka ng buhok eh
yun parin ang litrato mo.

Kaya tanung ng iba
ay kelan ba dapat magpalit
ng profile pic? dapat
ba match ito sa itsura
mo ngayon? O baka naman
itoy nagpapakita lang
ng kasalukuyan mong
nararamdaman o pinagdadaaanan?

Dapat ba buwan-buwan? taon-taon
o quaterly ang pagpapalit
ng litrato sa profile?

Ako kasi kapag trip ko
magpalit kahit araw-araw
iba-iba profile pic
ko minsan naman kalahating taon
na ay iyon at iyon parin ang
litrato ko. Pero para masagot
ang tanung na ito para sa
pansarili kung pananaw
ang profile pic ay pwedeng
itulad sa buhok natin
sa ulo (kung meron pa)

Ang sabi dapat atleast
buwan-buwan nagpapagupit
ang lalaki o di naman kaya
eh nagpapa-parlor ang isang
babae. DAhil kung hindi
eh parang napapabahayan
mo ang sarili mo ng ganoon.
Ito yung karaniwang
paniniwala pero alam naman
natin na hindi naman lahat
ay sinusunod ang patakarang
ito, ako mismo eh
halos kada tatlong
buwan kung magpagupit at
sa tingin ko naman
hindi naman ako nagmumukhang
pabaya sa aking sarili pero
kung nasa mood ako ay talagang
wala pang isang buwan eh
balik na kaagad ako
sa barbershop, dipende rin
minsan kung anung klaseng
style ng buhok meroon ka eh.

Ganun din ang pagpapalit
ng profile picture sa
tingin ko, lalo na kung
isa kang aktibong gumagamit
ng mga ganitong account
eh siguro nga kada isang
buwan dapat magpalit ka.

Kasi ang isang active
social media person
tulad din naming mga
blogger yan, mga
passionate sa paghahayag
ng kanilang isip at damdamin.
Yun nga lang kapag blogger
ka ang tinitignan dito
ay kung ano ang mga bago
mong akda imbis na ang iyong
litrato. Sa mga aktibo
sa Social media ang profile
pic nila ang parang nagbibigay
ng mensahe kung anung sitwasyon
ang kinalalagyan niya ngayon.

So ganun na nga lang yun
siguro… Ang profile pic
ay parang buhok ng tao
matagal na yung buwan-buwan
pero kung hindi ay ayos
lang rin naman…

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: