MINSAN PARANG MAS OKAY NA MAGING MAHIRAP NALANG

 

Lahat ng mga estudyante at empleyado
ay iisa ng dinadalangin at pinapantasya
na sana balang araw ay bigla nalang
tayo yumaman!

Para nga naman wala na tayong
isipin kung saan at papaano natin
pagtatapusin ang ating mga anak, kapatid
o kamaganak o di naman kaya
eh paano natin matutulungan ang ating
mga magulang…

O di kaya ay para matapos na
ang pagtitiis natin bilang isang
empleyado, dahil sawa ng makihalobilo
sa mga taong hindi mo naman talaga
gusto at ginagawa mo lang ito dahil
kelangan mong kumita.

Ganun din sa mga estudyante,
real talk lang oh! kung may
negosyo tayong inaasikaso bibigyan
nyo ba ng ganoong kahalagahan ang
pag-aaral? ibig kung sabihin eh
ganito ba tayo magpapakamatay
para magkaroon lang ng degree?
Halos lahat ng Filipino ang dahilan
kung bakit nag-aaral ay para
mayroong titulong maipakita kapag
nag-aapply ng trabaho, para maging
qualified which is taliwas sa tunay
na layunin ng edukasyon… Sabi
nga eh kung mahirap ka talaga
ang tangi mo nalang pag-asang
umasenso eh ang sistematikong
edukasyon na sa ngayon ay para
bagang kinakalakal narin ng
mga negosyante.

Gusto ko maging mayaman sa pera.
Kung susundan mo ang praktikal
na lohika halos lahat nabibili
ng pera at kung meroon mang hindi
nakukuha nito ay mas lalo namang
mahirap iyong makuha ng awa o
paki-usap.

Sabi nga ng iba ang krimen ngayon
tulad ng pagnanakaw o pang-gagatso
ay dala narin kasi ng mga palatas-tas
o ipinakikita ng midya… Malaking
bahay, magarang kotse, piyestang
selebrasyon tuwing birthday, kasal
o ano paman pero sa riyalidad
eh malabong makamit ng isang taong
nagtratrabaho bilang clerk sa isang
kumpanya at mas lalong mahirap
kung ang empleyadong ito ay
contractual pah!

Lalo na at mababalitaan mo na
may nangyayaring nakawan sa kaban
ng bayan. Biruin mo na ganun na
kawalang kunsensya ang mga di umano
ay public servant ngayon kung totoo
man ito. Ang karamihang nilalaman
ng kaban ng ating bayan ay galing
sa mga low grade employee dahil
sila ang mas nakakarami kesa sa
nasa mataas na posisyon at isipin
nalang natin na naaatim nung mga
magnanakaw na iyon na lustayin
ang mga perang galing sa mga taong
mahihirap lang?

Buti na nga lang at di na
ako nagpapanood ng TV ngayon
lalo na ng balita dahil mauunsyame
ka lang talaga.

Minsan nakakaingit yung mga di
umano ay kurakot o mga taong
tiwali dahil di tulad ng mga
empleyado o OFW na tulad ko ay
di na nila kelangang mawalay
sa mga mahal nila sa buhay
o di kaya ay magsakripisyo at
tiisin ang mga bagay bagay
para lang kumita ng perang
ipangsusuporta sa mga pangangailangan.

Syempre nga naman bakit pa
sila magtratrabaho kung yung
mga binabayad nating buwis eh
naririyan lang at ready for their
expense! T@NG nah!

MAtagal na akong mulat sa mga
di kanais-nais na pamamalakad na
iyan, alam ko na yan pero parang
ngayon ko lang nararamdaman yung
sakit o insulto at di ko itatangi
na kung minsan tinatanung ko sa
sarili ko kung papaano kaya maging
tulad nila? paano kaya ginagawa
nung mga tiwaling iyon? at magaya
nga!

Pero kamalaunan ay nahimasmasan ako.
Nung naalala ko na kahit papaano
ay mayroong Diyos at aking napansin
at nagunita na sa huli eh
para lang tayong mga piyesa
ng chess na kung saan iisa lang
tayo ng kahon. Maaring rook ka
at puro ka lang padiretsong pasulong
at paatras ang tira na di tulad
ng queen na o kabayo na mas malaya
pero kamalaunan ay mapapansin mo
na iisa lang kayo ng lugar na
ginagalawan maaring mabilis nga
nilang puntahan iyon pero ikaw
kung iyong nanaisin eh mararating
rin ito kung gugustuhin.

Ang buhay mahirap at mayaman
kung itutuos mo ay halos
pareho lang kapag iyong binalatan.
Ipa lang ang bumabalot na balat
maaring sa mayaman pilak at
sa mahirap eh papel pero ang
loob nito ay ganoon rin. Pareho
lang namumublema, nasasaktan,
nagtitiis at nangungulila. Kahit
gaanong karaming pera meron ka
hindi mawawala ang problema
at hindi ka magiging manhid sa sakit
at lalung-lalo na hindi nito kayang
pigilan ang mga taong gustong
umalis o oras na para silay
kunin ng ating manlilikha.

Minsan parang okay
na ngang maging mahirap nalang
tutal ganun din pala halos
kapag mayaman ka. Sa huli pareho
rin kayong sa lupa hihimlay pero
ngayong nasimulan mo na ang iyong
paglalakbay at halos nakakakalahati
ka na sa iyong tinatahak na daan
ay magkahalong panghihinayang
at takot ang namumutawi sa iyong
isipan dahil baka sa iyong
pagbalik eh wala ka ng madatnan
o may bagong katotohanang sa iyoy
lumantad at di makayanan.

Sana akoy mali sa aking punto
nitong kasalukuyan na minsan
ay parang mas okay na maging
mahirap nalang dahil akoy umaasang
may mas maliwanag na sagot
para itoy takpan, akoy naghihintay
at nag-aabang imbis na sumuko
nalang…

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: