ANG TANGING PAG-ASA AY UMASA

 

Kung babalik tanaw
natin ang ating mga
pansariling karanasan
o maging ang karanasan
ng kapwa natin na kung
saan noo’y nasa madilim
na punto ng buhay
at kamalauna’y narating
rin o nadatnan ng liwanag.

Ano ang pagkakapare-pareho
natin? Oo pareho tayong
nasa di kanais-nais na
sitwasyon pero sino ba ang
hindi? Ang pagkakapareho
ng ilan na di katulad
ng nakakarami ay umaasa
tayo sa mga magagandang
mangyayari sa ating buhay.

Dumating na sa buhay
natin minsan ang sitwasyon
na para bang wala ng
solusyon at ang pag-asa
nalang natin para  matugunan
ang isang problema ay “UMASA”
na ito’y mapaganda balang
araw…

Ang pag-asa ay halos
kamag-anak ng pananampalataya,
pangarap,paniniwala o
pagdalangin at panalangin.

Kaya kung may aasahan na
rin lang tayo ay piliin
na nating asahan kung
ano yung maganda at primera
klase dahil ayon
sa aking naranasan sa aking
buhay noong ako’y nasa
edarang bente anyos pa
ay kung ano ang iyong inaasahan
madalas iyan ang iyong
nadadatnan at kung hindi man
ay halos kadikit lang.

May mga inaasahan tayong
talagang kung minsan ay
hindi nangyayari hindi dahil
pinagkaitan tayo ng sino man
kundi dahil minsan kung ano
yung inaakala nating dapat
ay hindi pala naayon para
maganap ang ating inaasahan.

Ang pagsisikap at gawa
ay hindi maitatanging parte
para maganap ang isang intensyon
o pangarap pero kung minsan
talagang hindi mo alam kung
anung daan ang dapat mong
simulang tahakin at sa mga
pagkakataong iyon na ikay
naghihintay ng kapirangot
na ideya ay walang masamang
magliwaliw ang iyong isip
na mangarap at umasa…

 

 

One Response to ANG TANGING PAG-ASA AY UMASA

  1. foobarph ay nagsabing:

    sa dulo ng paghihintay, siguradong may kaakibat na liwanag. magtiwala lang!

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: