SE7EN YEARS NA BLOGISTA

 

Ang blogsite kung ito ay
kasing edad ng aking anak, maraming
dahilan at intensyon kung bakit
ko ito binuo noon. May mga pagkakataong
naisipan ko ng tumigil, nagsawa
at nawalan ng gana…

Totoong nakakasawang magsulat at
totoong dadating ang pagkakataong
mawawalan ka ng ideya kung ano
na ba ng isusulat mo pero ang hindi
nakakasawa ay ang “pagbabahagi” or
pag-she “share” ng mga meron ka
lalo na at kumpyansa ka na ang
ibabahagi mo ay may silbi sa mga
makakabasa.

Tuwing nakakita ako ng “views”
sa mga articles ko ay naniniwala
akong may isa nanaman akong taong
naka-interaksyon di ako sigurado
kung magugustuhan niya ang naisulat
ko o hindi pero sa bawat interaksyon
naniniwala ako na may nangyayari
at ano mang pangyayaring iyon ang
dalangin ko sana ay papunta sa mabuti.

Nag-aaverage ng views ang aking
blogsite ng 250-350 and above
araw-araw pero pansin ko mas dumadami
ang tumitingin tuwing buwan ng Pebro
Marso dahil siguro maraming bumabasa
nung “ANO ANG MATIBAY NA BASEHAN
SA PAGPILI NG KURSO SA KOLEHIYO” Pero
most of the season ang patok ay
“Tamang Solusyon sa Hindi inaasahang Pagbubuntis”.

Kung itutuos ay malayo na ang
narating ng blogsite kung ito
na kung saan dati rati kapag 50 views
kada araw ay masayang-masaya na ako.
Sa bagay hangang ngayon ay halos
ganun parin naman ang pananaw ko…
kahit tatlo lang ang bumisita sa blog
ko ay masaya parin ako dahil
malay ko ba kung yung tatlong iyon
ay talagang nangangailangan ng maba-
basang artikulo tulad ng mga sinusulat
ko? Nung una pa naman ay makabuluhang
sulatin tayo nakatutok ang sumusunod
nalang yung pagpapadami nung sumusubay-
bay, hindi dahil sa nagmamataas
kundi mas nanaisin kung magkaroon
ng mga dalisay na tagasubay-bay kesa
naman doon sa mga nakikiuso lang pero
ganun pa man pareho silang welcome
bagaman syempre kapag pinapili tayo
uunahin natin yung mga totoo.

Nawala na ako doon sa tinutularan kung
gabay sa blogsite na ito. Di ko na
matiyak kung itong blogsite na ito
ay patungkol sa self-help pero mas
nagiging isang bangko na kung saan
iniimpukan ng aking mga punto de vista,
mensahe, suhestyon, kumento, pag-puri, paghahayag o impukan
ng mga kawing papunta sa mga nirere-
-kumenda ko at mga iba ko pang
hilig.

Hindi ko tiyak pero sa tantsya ko
ay halos 25% ng buhay ko ay
representasyon ng blogsite na ito.

Doon po sa mga nagpa-follow sa akin
na may bilang na 212 FOllowers
ay salamat po sa inyo, alam nating
hindi ko po kayo pinilit at ni
wala nga po akong advertisement
na i-like ang blogsite na ito.
Wala pong gifts na makukuha
kapag nilike ninyo ang blogsite ko
kundi ang tanging silbi lamang
nito ay maipaalam sa inyo kapag
may bago nanaman akong isinulat
at maipaalam ninyo sa akin na
may nagbabasa pa kay Rocky Rivera.

Salamat po sa Pitong taon
at sa mga susunod pa!
Rocky

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: