BAKIT KAMI TUMATABA?

 

Ang artikulong ito ay
marahil sagot sa mga
nagtataka kung bakit
tumataba ang isang tao.

Bagaman alam nyo nanaman
na dahil sa pagkain
pero alam ko rin
na gusto nyo pa ng
mas maraming impormasyon
para ipaliwanag
kung BAKIT? kami tumataba!

Sa totoo lang tama ang
pakiramdam ninyo na
may mas malalim pang
mga dahilan maliban
sa “pagkain” kasi
madali lang naman ngang
sabihing magbawas ng kanin
o di kaya eh umiwas
sa matatamis at alam
na alam naman na ng buong
tao sa planetang ito
kung anu-ano ang mga
pagkaing nagpapataba
at dapat iwasan pero
bakit sa kabila ng iyan
eh may mga tao
paring tumataba?

So eto na at sisimulan ko
na ang pagpapaliwanag…

ORAS

Para matangal ng isang
tao ang mga sobrang
taba sa kanyang katawan
ay kailangan niyang mag-ehersisyo.

Kapag sinabing “mag-ehersisyo”
hindi ito yung maglalakad
kalang ng ilang minuto kundi
kailangan mo magtalaga
ng marami-raming oras
para isagawa ang mga
aktibidades sa pageehersisyo.

Totoo naman yung mga sinasabing
di mo kelangan ng maraming
oras para mag-exercise at
hindi dahilan yung “busy”
ka. Pero yung “exercise” na
iyon ay angkop lang sa
exercise na ang layunin ay
buhayin ang mga kasu-kasuang
hindi mo madalas nagagamit
lalo na at ang trabaho
mo madalas ay nakaupo lamang.

Pero kapag ehersisyong
pinaguusapan natin ay
magkaroon ka na ng lakas
eh kinakailangan mong gumugol
ng maraming ORAS.

Ayokong sabihing di dapat
hadlang ang pagiging busy
sa pageehersisyo pero
kapag nagpunta ka sa GYM
o sa kung ano mang uri
ng Training kinakailangan
na nakatuon ang iyong attensyon
sa iyong gagawing aktibidades
dahil kung hindi ay hindi
productive ang iyong mga
gagawin o maaring madisgrasya
ka pa.

Ang mga taong busy ay
takot bitawan ang kanilang
mga iniisip na isyu dahil
pangamba nilang baka
mawala sila sa giya para
marating ang kasagutan.

MAdalas para magkaroon
ka ng ORAS sa pag-eehersisyo
ay kinakailangan mong baguhin
halos ang buong mundo mo
para maipasok ang uri
ng pamumuhay na kung saan
nakakapag-ehersisyo ka.

EDAD

May mga taong kaya pang
habulin ang katawan may mga
tao naman na kailangan na talaga
nila ng tulong para makahabol
sa tamang timbang pero ang problema
may mga taong ayaw tangapin
na kailangan na nila ng tulong
dahil kasabay na rito yung
tinatanging nagkaka-edad na sila
at higit sa lahat ang pag-hingi
ng tulong lalo na sa mga experto
ay kinakailangan ng PERA.

PERA

Speaking of PERA akala ninyo
siguro ang pagpapayat
ay mas matipid kesa sa
pagpapayat? dun kayo
nagkakamali dahil mas
maselan ang pagpapayat
ng tama kesa sa pagpapataba.
Pag nagpapayat ka kelangan
mo bumili ng mga gamit
na pang-ehersisyo o di kaya
ay mag-hire ng mga coaches
para gabayan ka sa iyong
mga gagawin. Yung mga
pagkain mo dapat mong piliin
mabuti at kung minsan
kung ano yung mga pampapayat
eh yun pa ang mas mahal.

DEPRESSION

Yung mga taong lumalakas
kumain kapag nalulungkot ay
masasabi kung mga may “ayus”
na pag-iisip. KAsi para sa
akin buo pa yung survival
mode nila sa katawan, ang
pagkain ng matatamis ay
nakakatulong sa paglaban
sa depression gayon din
ang pageehersisyo pero
mas madaling i-program
sa ating sarili yung pagkain
kaya ito yung madalas na
pinagtutuunan natin ng pansin
kung kaya naman di
maitatangin mabibilis tumaba
ang mga taong depress.

KAPALIGIRAN/KASAMA

Kapag ang mga kasama
namin eh malulusog rin ay
huwag ka ng magtaka dahil
para ka lang nagtanung
bakit ang daming Filipino
sa Pilipinas. Kahit
gaanong katindi ang will
power mo pero kasama mo
eh mga kontra sa ninanais
mong marating ay kamalaunan
ay makakahon ka rin kasama
nila. Hindi madaling
baguhin ang sirkulo ng
iyong relasyon sa mga taong
nakapaligid sa iyo lalo
na at ang layunin mo
lang eh sumeksy o magka-abs.

 

Ito lang sa tingin ko yun
ilan sa mga dahilan kung
bakit kami tumataba, kaya
kung ikaw ay maraming pera
at napapaligiran ng mga
taong insecure sa itsura nila
at walang problema sa pera
at oras madali lang sabihing
abot kamay ang pagpapayat
pero kung ikaw eh otso
oras na nasa opisina at isang
beses lang sa isang lingo
mag-day-off at minsan wala
pa tapos napapaligiran ka ng
mga taong tulad mo ring depress
at pagkain ang tinuturing
na tagapagbigay ng aliw
eh ano sa tingin mo ang mangyayari
sa mga tulad namin?

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: