TATLONG PAKSA PARA KILALANIN ANG ISANG TAO (PERA, SEX, KAMATAYAN)

 

Paano ka kumilala ng isang
tao? Ano ang paraan mo?

Kung meroon ka mang paraan
paano kumilala ay nagawa
mo nabang subukang kilalanin
ang iyong sarili?

Ang PERA, SEX at KAMATAYAN
ay ang mga paksang masasabi
kung kayang tansyahin, sukatin
o di kaya ay kilatisin
kung anung uri ng pagkatao
meroon ang isang tao, sa
tatlong paksang ito
iyong makikita o magkakaroon
ng ideya kung ano siya
at pwede mo rin itong
gamitin sa iyong sarili para
malaman mo kung sino ka?

Ituloy lang ang pag-basa…

PERA

Kung ikukumpara mo ang PERA
sa paksang SEX at KAMATAYAN
PERA ang pinaka mababaw
na paksa para kumilatis
pero ito ang madalas
na makikita mong impormasyong
pwede mong masuri, pag-aralan
para makilala mo ang isang tao.

Kung siya ay may mga isyu
sa pagbabayad ng utang o di
kaya ay may mga transaksyong
nauwi sa hindi magandang
pangyayari dahil ang puno’t
dulo ay pera ay alam mo na…

Malaki ang tsansang mahirap
kausap ang taong ito. Simple
lang ang patakaran sa pera,
kung ano ang pinag-usapan
ay dapat ito’y ikasatuparan
at kung hindi mo nagawa iyon
eh may problema ka. Ganun
lang kasimple.

Marami kasing ibig sabihin
ang pera sa tao. May iba
na ang tingin sa pera eh
kapangyarihan, buhay o
di kaya ay kridibilidad
samantalang sa iba ang pera
ay isang materyal lang na
bagay. Kung kaya para
sa akin ay iwasan o huwag
na huwag magbibiro o maglalaro
kapag ang pinaguusapan
ay tungkol sa pera. Hindi
dahil sa masama mag-laro
o mag-biro kundi para maging
malinaw sa iyong kapwa
na hindi ka iresponsable
lalo na at ang ka-transaksyon
mo ay bago pa lang.

Para sa akin ang pinaka
matinding sukatan para malaman
mo kung sino ang okay na tao
pagdating sa pera ay kapag
nagkaroon kayo ng hatian
sa pagbabayad. Yung mga taong
mahilig magpalusot kahit
alam na mayroon namang pera
pero lulusot kung makakalusot
sa kabila na nakikinabang
naman siya pinaghatian ninyong
ari-arian ay dapat ka doong
mag-ingat.

May mga taong mahilig
magkwenta. Ayos naman iyon
kung nasa lugar. Kung ang
paghahatian ninyo ay pera
tulad ng kinita sa negosyo
o di kaya ay mana
ay para sa akin tama lang
na magkaroon ng medyo malalim
na kwentahan para masikap
na patas ang magiging hatian.
Pero kung ang kwekwentahin
ay sa mga ari-ariang pareho
kayong nakinabang ay siguro
insulto kapag lumalim ang
magiging kwentahan maliban nalang
talagang isa sa inyo ay bihirang
makakuha ng benepisyo sa ari-ariang
iyon.

Pagdating sa pera ang
kadalasan nating mentalidad
o tanung eh “Lugi ba ako?”
o di kaya ay “Panalo ba ako dyan?”
laging pakabig. Ang mga taong
may ganitong isipan ay mga taong
nasa normal na kategorya, napabibilang
sa mahihirap o galing sa kahirapan
na siguro ang iba ay kakaahon
palang.

Ang mga taong galante ay mga
taong ayos! hindi dahil sa
basta nakakalibre ka lang kundi
may posibilidad na mayroon siyang
magandang kalooban dahil bihira
lang sa mga tao ang pala-libre…

Hindi isang kasiguraduhan
na may mabuting kalooban ang
taong galante pero isang malaking
check ito, bagaman mag-ingat
parin dahil may mga taong
malakas magbigay pero kamalaunan
nakatala na pala ito sa listahan
ng utang na loob.

Yung mga taong cheap ay masyadong
apektado kapag nalugi sa kapirangot
na salapi, may mga taong kung
umasta ay parang sasabay sa
mga mayayaman pero ang hanap naman
lagi sa mall ay kung ano ang “SALE”
ang mga taong ito ay mga peke
o mapag-kunwari, hangat maari
iwasan sila.

Hindi lahat ng kuripot ay
madamot magkaiba iyan. May
mga kuripot dahil organisado
masyado ang sistema ng kanilang
pinansyal na buhay kung kaya
kailangan mo ng isang matalinong
paliwanag kung bakit kelangan
niyang magbigay sa iyo ng pera.
Pero ang taong MADAMOT eh kahit
ano pang talino ang gamitin mo
ay sarado ang isip nito.

Puno ng pala-isipan ang PAKSA
ng PERA kaya bago mo tuldukan
ang iyong konklusyon ay subukan
mong repasuhin ito paulit-ulit.
Medyo bukas na libro kasi ang
pag-gamit natin ng PERA. Wala
naman kasi tayong nakikitang
problema sa una kung iparamdam
natin sa ating kapwa na ayaw
nating gumastos hangat maari
lalo na karamihan sa mga Pinoy
na tulad ko eh mahilig sa libre.

Hindi naman kasi kumportableng
usapan kung tatalon kayo
sa paksang SEX o KAMATAYAN pero
yung mga tanungan na ano ang
diskarte niya sa pag-ba-budget
o di kaya ay kung ano status niya
sa pagbabayad ng LOAN sa bangko,
5-6 o kanino man
ay mas magaan na usapan at mula dito
pwede ka ng makaguhit
ng idea kung ano uring tao siya….

 

SEX

Pagdating sa SEX dito mo siguro
makukumpirma kung sino ang
talagang religiouse or espiritual.

Isang sagradong gawain ang sex
para sa nakakarami at isang libangan
o bisyo sa iba. Kung ano man
sa dalawa o tatlong ito napabibilang
ang isang tao ay siguro may idea
ka na kung ano sila.

Magandang gamiting sukatan ang
sex para malaman kung ang
isang tao ba talaga ay
nabubuhay na naayon sa kanyang
mga tinatangkilik o nagpapangap
lamang…

May mga tao na di umano ay
relihiyoso pero yung parteng
kautusan tungkol sa sex
ay tuwiran niyang nilalabag.

Ang mga ganitong tao ay
takot na harapin kung ano
ang totoo…

Kailangan nila ng tulong
o taong iintindi at magpapaliwanag
sa kanilang sitwasyon ngunit
bago ito ay dapat muna nilang
tangapin ang kanilang kalagayan
at masiguro sa sarili na
handa sila makinig sa mga
sasabihin nung gustong tumulong
sa kanila.

Bagaman kailangan nila ng
tulong eh kailangan din maging
maingat ang pakikisalamuha sa
kanila, hindi dahil sa masama
silang tao kundi kung minsan may
mga punto ng paniniwala silang
ayaw na nilang baguhin bagaman
alam nilang dapat palitan na
pero dahil nga
may kaugalian silang pagiging
panatikong wala sa lugar
ay nadadala nila ang kaugalian
na ito sa ibang parte ng kanilang
buhay.

Kapag ang isang tao
ay alam kung anung uri
ng SEX LIFE meroon siya
at tangap niyang iyon
talaga siya na hindi
niya ito kinahihiya ay okay
na tao iyon bagaman maaring medyo
weirdo ang trip niyang sex life
pero ang good news dito ay hindi
siya peke.

Yun lang naman kasi ang
pinaka punto bakit natin gusto
makilala ang isang tao. Kung
gising ba siya sa katotohanan
o baka nagiilusyon lang at
ang mas nakakapag-alala eh
kung ang isang tao ay sadyang
nanlilinlang lamang.

Ang paguugnay nung paniniwala
ng isang tao sa sex kumpara sa
kanyang aktuwal na isinasabuhay
ay masasabi mung halos salamin na
mismo ng kanyang pagkatao.

KAMATAYAN

Mabibilang mo lang sa daliri mo
sa kamay ang mga taong gumugol
ng panahon para alamin ang
mga bagay-bagay sa kamatayan
o kung ano ang kasunod nito.

Bukod sa paniniwalang Langit
at impyerno iilan lang ang
taong may mas malawak pang
idea sa buhay pagkatapos ng
kamatayan.

Lalung-lalo na bihira lang
ang taong sumusubok pag-handaan
ang kamatayan kung itoy napipinto
na…

Madalas ang mga taong nasa
level na maraming idea at naghahandang
tangapin ang kamatayan ay
mga tao may taning na ang buhay
o di kaya’y minsan ng
napapunta na sila sa bingit
ng kamatayan.

Kung magkakaroon ka ng pagkakataon
ay pansinin mo ang mga taong
tinaningan na ang kanilang buhay.

Maaring sa una sila ay puno
ng hinagpis at denial pero kamalaunan
kapag natangap na nila ang
totoo ay mararamdaman mo
na mas solid at malinaw na
sila sa kanilang mga desisyon
sa buhay. Wala na sila
gaanong pantasya kundi ang
marahil na nasa isip nila
ay katanungan kung ano nga ba
talaga na ang susunod?

Ang mga taong bukas sa usapang
kamatayan ay mga taong masasabi
kung may malayang kaisipan at
nakakaenganyong maging kasama
sa mga usapan. Ito ay kung
ikaw ay interesado rin sa mga
ganitong uri ng usapan.

Ang mga taong tunay na tangap
nila na sila ay mamamatay isang
araw ay mapapansin mong organizado
at nasa reyalidad nakabase ang
kanilang mga desisyon at sistema
ng pamumuhay dahil ayaw nilang
magbigay pa ng asikasuhin o pala-isipan
sa kanilang mga mahal sa buhay…

TANDAAN na ang kakilanlan
ay maaring mabago kung kaya ang
pagkilala ay dapat na inuulit
sa isang tao ng sa gayon ang ating
basehan ay nananatiling may kridibilidad.

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: