HATAW

HATAW

 

Dahil sa kakapanood
ng BALLERS ni Dwayne Johnson
aka The Rock.

Ay nagkaroon na naman
ako ng ganang mag-ehersisyo.

Matagal ko ng hinihintay
na magkaroon ng ganitong
inspirasyon upang magtulak
sa akin na magbalik sa buhay
“atleta”

Dahan-dahan lang ang sabi
ko sa aking sarili lalo
na sa unang mga araw
ng pag plastada. Kamalaunan
nung naramdaman ko na
ang aking katawan ay handa
na ay saka ko ito hinataw!

Araw-araw at todo alaga
sa katawan saka bantay
sarado sa pagkain at mga
bitamina.

Kapag tinamaan ka talaga
ng katamaran at sa inspirasyon
naubusan ay kahit kaladkarin
mo ang katawan sa kahit na
anung aktibidades pang palakasan
ay wala kang mapapala dahil
sa huli parang nagsayang ka
lang ng oras.

Pero ang isang ideyalistikong
inspirasyon kahit gaano
pa ito kababaw kapag itoy
natanaw sigurado ako na
ang iyong katawan kahit ano
pang edad o kalagayan ay
maeengayo kang ihataw!

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: