MALALIM

MALALIM

 

 

May mga planong dapat
itago.

Hindi lang basta itago
kung saan kundi
dapat itoy itago
sa kailaliman…

Madilim mang kaisipan
ngunit bago ka maging
mahusay sa stratehiya
dapat mong maintindihan
ang pakiramdam nung
ang nakikita ay puti
at malaman ang nadadama
kapag ang nakikita naman
ay pula.

Maraming kwento at
isyu sa akin ay binabato
dahil nga kumbaga sa bunga
di lang ako masagana
may bahagyang kapangyarihan pa…

Di iyan kayabangan, alam
yan ng mga sa akin
ay nakakikilala
lalo na nung mga taong
nabigong akoy
ibaba…

May mga taong alam
kung ano ang nalalaman
o intensyon ko pero
marami ang hindi nakakaunawa
dito. Kung sino pa minsan
yung nagkakalat nung balitang
di totoo ay ngayon
siya pa ang tumataliwas
sa kung ano ang sinabi niya
noon…

Ang mahusay na plano
ay nasisira kapag itoy
nabubunyag sa di tamang
panahon, maraming kumokontra
kahit na ang rason ay
baluktot kapag sinukat
gamit ang lohika.

Ang mahusay na plano
ay malinaw na malinaw
ang layunin ngunit ang
mga hakbang na balak
gawin ay bukas ang
tangapan para baguhin.

Tanung ng marami paano mo
babagtasin ang daang matuwid
kung itoy nababalot
ng dilim?

Paano ang isang planong
ngayon lang narinig
ay tutuparin kung ang
mga kasama ay alanganin?

Mahirap itong sagutin
pero para sa akin nagawa
ko ang mga ito dahil
siguro ang pananampalataya
ko ay malalim…

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: