PAG-PANAW

PANAW

 

Akala ko noong Hulyo 15, 2015
ay mamamatay na ako.
Dahil noong unang araw na
akoy nagbalik gym mula
sa mahabang pagpapahinga
ay naramdaman ko na bumagal
at humina ang tibok
ng aking puso hangang sa
unti-unting nararamdaman ko
na nababawasan na ako ng
hininga.

Agad akong lumabas ng
gym at nagtungo sa aking
kwarto at sinimulan ko
ng ilabas ang mga password
ng aking account sa laptop
ng sa ganoon doon rin makita
nawa ng mga mahal ko sa buhay
kung saan nakatago ang aking
mga naitagong mahahalagang
bagay.

Gayon pa man ay nanangan
ako na lumaban at maging
matatag para manatiling buhay
tinawagan ko ang aking may
bahay para magtanung kung
ano ang gagawin sa ganitong
sitwasyon dahil isa siyang
nurse pero masyadong
maraming detalye pa akong
ipapaliwanag para masagot
ang aking tanung at baka ito
pa ang ikadahilan ng aking
pagka-tigok kaya pumayapa
nalamang akong nakaupo
na humahawak sa aking
kaliwang dib-dib na para
bagang sinasabi ko sa aking
puso na huwag muna ngayon
bagaman nasabi ko na noong
2009 sa aking artikulong
handa na akong mamatay pero
ngayong 2015 tila baga parang
ang daming nabago…

Sa aking pagpapakatatag
ay pumasok sa aking isipan ang
mga taong sumakabilang
buhay noong mga nakaraang
buwan ng taong ito na kung
saan karamihan sa kanila
ang sanhi ng kamatayan ay
pinaghihinalaang patungkol
sa puso…

Magkahalong takot at lungkot
ang aking naramdaman…
Takot sa kung anung posibleng
itsura ng kamatayan na kinaharap
ng mga kasamahan ko dito sa
aming pinagtratrabahuhan at
lungkot para sa mga mahal
sa buhay nilang naiwan.

Hindi ko pa nga oras dahil
kamalaunan ramdam ko na
nagbalik paunti-unti sa
tamang bilis ang tibok ng
aking puso…

Dito ko parang lubos na
nakita ang aking sarili na
hindi pa talaga ako handa
marami pa akong responsibilidad
na gagampanan na kung tutuusin
akoy nagsisimula pa lamang.

Minsan ang mga nasasaksihan
nating pag-panaw ang siyang
nagiging guro para ang mga
leksyon o bagay-bagay sa
atin ay mabigyan ng linaw…

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: