SALAPI

WP_20150906_008_Fotor

 

Samut sari ng kwento
ang ating nabasa at narining
o napanood tungkol sa salapi.

May masama at mabuti pero
kahit kelan walang naging
isang konklusyon kasi naman
iba-iba ang naitatak nito
sa atin.

Kung bakit ginagawa ng
tao ang ginagawa nya ngayon
ay dahil iyon sa PERA. Bulgar
o pranka ang dating pero
malaki ang posibilidad na TAMA.

May iba naman na ang sabi
eh dahil sa pag-ibig! Corny
pero kapag iyong hinukay
ang bawat sulok ng punto de
vista ay masasabi mong totoo nga…

Tinignan ko ang laman
ng aking bangko…

Nakakatakot! Di dahil sa
kung ano ang makikita mo
kundi kung anung ideya
ang papasok sa isipan mo.

Pressure sa mga responsibilidad
at alituntunin, para bang
kapag tinuos mo wala ka
ng karapatang mag-good time!

Pero pupwede ba naman yun?
SAbi nga ni Ginoong Colayco
pay yourself! Ikaw ang empleyado
sa sarili mong kumpanya, at ang
di mo bayadan ang mga empleyado
ay malaking pagkakamali!

Ibigay sa kinauukulan ang
nararapat na sa kanya, kung wala
mang saganang ibibigay eh hangat
maari ay magbigay ng nangagaling
sa puso. Iwasang maging tuso!
dahil kamalaunan akala mo nakaisa
ka pero di mo pansing ikaw ay mas
naging kawawa…

Pera lang yan! dahil iba parin
kapag tunay na tao handa kang
damayan…

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: