BAKA CELEBRITY KA NA DI MO LANG ALAM

 

Ewan ko kung pansin na
ito ng mga tao ngayon na
ang pagkakaroon ng
“Celebrity Status” ay
hindi na bago tulad noon…

Sa tulong ng Social Media
ay marami na ngayong nagtatangan
ng “celebrity status”

Sa totoo lang kung may
facebook account ka lang
at may mga kaibigang umaabot
sa mahigit 500 friends ay
maituturing mo na kahit papaano
na ikaw ay isang celebrity…

Siguro nga lang hindi tulad
noong mga nasa mainstream
pero ganun pa man eh atleast
celebrity ka parin!

Wala itong pinagkaiba sa
sistema noon na kung saan
meroon tayong mga tinatawag
na underground artist at
ito ngang mga nasa mainstream…
Kung may blog ka o di kaya
ay account sa youtube, instagram
at soundcloud na kung saan
ang mga ito ay iyong aktibong
inaalagaan at may mga tagasubaybay
ka ay isa ka naring mamamayang
nasa “celebrity status”

Di ka makapaniwala ano?
Pero ganun na ganun din ang
pakiramdam ng mga taong nasa
mainstream syempre pwera nalang
yung mga talagang nasa prime time
status pero yung mga tamang umeere
sa telebisyon ay sila man ang
tanungin mo ay di rin nila ganoon
ramdam ang pagiging celebrity.

Keh artista, musicisian or painter
ay di mahirap intindihing
may mga taong ang tingin sa kanila
ay nasa “celebrity status” pero
pag sinabi mo sa kanila na
naroroon sila sa ganoong kalagayan
ay may mga tatangi sa kanila at
may mga matutuwa…

Kasi naman ang pagiging celebrity
sa totoo lang ay iisa ang
dahilan kung bakit matatawag
ang isang taong “CELEBRITY” at iyon
ay may mga nakakakilala sa iyong
tao. In fact lahat naman
talaga tayo in some point of
our lives ay celebrity. Syempre
mainstream nalang naging glamourize
yung salitang “celebrity”.

Maraming nangangarap na
maging mainstream pero may
ideya kaya sila kung ano
ang posibleng maging buhay nila
kapag nasa mainstream na sila?

Hindi naman ako naging
legit na artista or showbiz
persona kundi base sa aking
obserbasyon ang isa sa mga
kailangan mong isakripisyo
kapag naging mainstream ka
ay ang iyong “kalayaan”

May pagka “ironic” kasi
ang madalas na nagiging
celebrity ay yung mga taong
“artist” keh sa pagsulat, kanta,
arte o di kaya ay pag pinta
o pag-gawa ng pelikula…

Nasabi kung ironic dahil
kapag sinabi mung “artist”
pinaguusapan dito ay obviously
ay “art” at ang isa sa pinaka
mahalagang prinsipyo ng art
o sining ay ang “kalayaan”
kapag ang kalayaan ay nalimitahan
apektado dito ang lahat mula
sa tunog, itsura, kulay nais
ipabatid na mensahe. Kumbaga
sa pagkain ay nagiging lasang
artificial o masyadong halatang
peke…

Siguro God’s will na rin
na sabihin kung isa kang
mahusay na artist at wala
sa mainstream ay talagang
pinahintulot ng nasa taas
na manatili ka riyan upang
patuloy ka pang magpalago
ng tunay at masusustansyang
sining… Dahil sa pagkakaalam
ko kapag ikay nasa mainstream
ay mababawasan na ang pagiging
katapatan mo bilang alagad
ng sining… Sa bawat kontrata
may mga kondisyon na lilimita
sa iyong pag-gawa na kung minsan
kung ano ang inilimita sa iyo
ay iyon ang ninanais ng iyong
mapagtanung na isipan at kapag
sinubukan mong pigilin ang
nagtatanung na kamalayan ay
dito nagsisimula ang iyong
pagpatay sa iyong pagiging
malikhain.

Kung magka-gayon ay sino
sa mga tunay na artist
ang may gusto pang magpumilit
maging mainstream?

Lilinawin ko lang na walang
masama na maging mainstream
lalo na at itoy nagbibigay
sa atin ng sapat na suportang
pinansyal at pagkakataong
maipakita ang ating sining
sa mas maraming taong maaring
interesado sa ginagalawan
nating mundo. Wag lang
sana nating lituhin ang mga
tao sa ideyang ang basehan
ng pagiging artist ay kung
narating mo na ang mainstream
at kung hindi ay hindi ka
artist dahil para sa akin
ang mga ganung tao na nagsasabing
siya ay artist ay hindi
tunay na naiintindihan ang kanyang
sinasabi…

Baka celebrity ka di mo lang
alam… Di ka parin makapaniwala
ganun talaga kapag sikat at
dapat lang naman na ang kasikatan
ay di nilalagay sa ulo kundi
dapat nginingitian lang.

Pa authograph naman! =)

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: