AGAHAN

agahan

 

Yun di po ba ang sabi nila?
Agahan ang hindi natin dapat
palagpasin kung saka-sakali?

Paano mo nga naman palalagpasin
kung ganito kaganda ang
agahan nyo? (Tingin sa larawan)

Buo ang Pamilya at may maayos
na pagkaing nakahain…

Simple lang ang buhay pero
bakit kapag ibinubuhay mo
na ang iyong buhay sa araw-araw
ay tila baga parang gusto
mong sabihing hindi naman…

Nasa nagdadala lang iyan
sa tingin ko eh. Dahil
kung hahakbang ka paatras
at titignan ang sitwasyon
simple lang ang buhay talaga
lalo na at kung bibigyan mo
ang bawat isa ng pagkakataong
magpaliwanag siguradong
mapapa-OO NGA ka at sasabihing
wala pala talagang isyu.

Nagsimula tayong mamrublema
ng wala sa wisyo noong naging
maalalahanin tayo sa sasabihin
ng mga taong hindi naman natin
talaga tiyak kung sino sila at
kung mahalaga ba talaga ang
opinyon at respeto nila…

Kapag nakasanayan mo silang
pagbigyan akala mo ayos
ka pero kamalaunan mapapansin
mong hindi pala at talo ka!

Kaya nga sabi eh matulog
ng maaga wag sayangin
ang oras sa mga bagay
na alam mong walang kwenta
ng sa gayon kinabukasan
magising ng maaga na
mayroong maayos, maaliwalas
at malinaw na punto de vista!

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: