SHENZEN

shenzen

 
Sa wakas at natupad narin ang
aming matagal na pinaplano
para ipagdiwang ang kaarawan
ng aming anak. Medyo advance
yung ginawa naming pagdiriwang
para rin maitugon sa iba pang
mga aktibidades na parang
ngayon palang namin inaalala
kung ano ang mga iyon…
Ang plano namin ay magpunta
ng Hong Kong tapos ay dumiretso
ng Shenzen China.

Ganun na ganun naman ang nangyari
tatlong araw at dalawang gabi.

Sa mga lugar na iyon ang kaibahan
ay walang traffic pero kung
itutuos mo lahat lahat ay halos
pareho lang at kung tutuusin mas
okay parin sa pinas para sa akin
ang ikinalamang ng Hong Kong ay
meroon silang Disneyland!

Sa Shenzen China naman ay walang
traffic nung naroroon ako at mahirap
tuldukan ng konklusyon kasi ayon
sa aming tourist guide eh 35 years
old palang ang ShenZen kaya marami
pang pwedeng mangyari.

Masaya ang maging isang tourista
pero nakakapagod kasi sa pagtayo
para maghintay sa mahabang pila
ay nakakangalay na… Sunod
pa nito ay yung paglalakad patungo
sa iyong destinasyon. Akala mo
lang parang tinatamad ako pero
kapag naranasan mong maglakad ng
ilang kilometro pabalik-balik at
tumayo ng halos dalawang oras
dun mo mararamdaman  yung sinasabi
ko.

Kaya dapat ay planuhin mo
maigi ang destinasyon mong
pupuntahan para hindi sayang
ang pagod at pera. Malaki ang
nagagawa ng google sa mga tourista
dahil halos lahat pwede mong
mabasa dito para magkaroon ka
ng kaunting ideya sa pupuntahan
mong lugar at mula sa ideya na
ito ay magkaroon ka na ng mga
plano kung saan ka magsisimula
at gaanong kalaking pera ang
dadalhin mo…

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: