DYER

 

dyer

 

Nitong August 30 lang
namatay ang isa sa mga
hinahangaan kung manunulat,
tagapagsalita , motivational
speaker at matuturing kung
isang positive icon sa
panahon natin ngayon.

Si Dr. Wayne Dyer ay
isang sikat na manunulat
at ang una niyang patok
na patok na libro ay
yung “Your Erroneous Zone”
at marami pang iba at ang
isa sa pinaka paborito ko
ay yung libro niyang
“You’ll see it When you
Believe it!”

Nung unang bago palang
ako sa Self-Growth industry
ay akala ko ay mababaw lang
ang mga naisulat niyang libro
at paksang tinatalakay pero
nung minsan kung marining ang
isang seminar niya sa youtube
ay hindi ko na nagawang
bumitaw sa pakikinig at tinuluyan
ko na itong tapusin at mula noon
naging solido na niya akong
tagahanga at taga suporta.

Galing sa broken family si
Wayne Dyer, ayon sa kanya
ilang beses nga sila pinaubaya
sa bahay ampunan noong bata
pa sila dahil di sila
masuportahan at mula noon
pa ay talagang nais na niya
sanang makatagpo ang kanyang
Ama pero natagpuan nalang
niya ito noong itoy nasa
libingan na… Masyadong
emosyonal ang sandaling iyon
ng kanyang buhay
at puno ng
ibig sabihin na kung saan
sa tingin ko pinaghugutan niya
ng maraming aral o punto de
vista para makatulong na tanawin
ang buhay sa positibong angulo….

Masyadong madetalye at puno
ng ibig sabihin kaya siguro mas
mabuting i-google nyo nalang….

Malayo na rin ang narating niya
sa kanyang industriya. Nagkaroon
narin siya ng Pelikula na siya
ang bida at pamagat nga nito ay
“The Shift” kung di ako nagkakamali
at isinapilikula na rin ang buhay
niya na pinamagatang “My Greatest
Teacher”

Cool na cool ang taong ito
at hiling ko nga sana kapag
tumanda ako ay makuha ko ang
state of mind niya. Kung
iisipin madilim ang kanyang
nakaraan at napaka lungkot
pero kung siya ang tatanungin
mo at ikukwento niya sa iyo
kung ano sa kanya ang mga
dinanas niya sa buhay ay
mamamangha ka sa metaphor,
point of views at interpretation
niya na para bang isang
biyaya ang mga pangyayari
na kung iisipin mo kapag sa iba
ito nangyari eh pakiramdam
nilay sinakluban na sila ng
langit at lupa….

Gusto ko sabihing nalulungkot
ako pero sa isang banda
ay masaya ako para kay Wayne
dahil ayon sa balita eh namayapa
siyang payapa bagaman may
napapabalitang meroon itong
leukaemia

Noong panahong nalaman na
meroon siyang leukaemia imbis
na itoy mag laylow eh sa tingin
ko mas lalo pa itong naging
aktibo at mas lalong dumami ang
kanyang mga aktibidades.

Iba ang taong ito, gusto ko
sabihing sayang pero hindi
angkop ang salitang iyon.

Mas bagay na sabihing
Job well done!

Wala na akong maisip na
sana eh nagawa niya bago
siya lumisan dahil sa tingin
ko ayus na ayus ang lahat
at kung dudugtungan pa ang
buhay niya eh ang mga
nalalabing araw na iyon eh
bonus na pero ayoko magreklamo
dahil ang mga nagawa niya
ay dakila para sa mundo
ng Self-Growth o Self-help
o ano man ang tawag dito.

Salamat Wayne sa lahat
at nawa ang mga nagawa
at ibinahagi mo sa amin
ay magpatuloy at manatiling
buhay para makatulong sa
pagkakaroon ng mahusay
at payapang mundo.

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: