ALDUB

Hindi ako ganun ka-IN
sa ALDUB pero di ibig
sabihin nun hindi ako AWARE.

Tulad nga ng nasabi ko
noon pa ay matagal ko
ng nilubayan ang TV.

Pero sa lakas nung KARISMA
ng KALYESERYE at naidulot
nitong maganda sa ating
mga kababayan ay
karapat-dapat lang
silang SALUDUHAN!

Marami ang napapatanung
bakit nga ba maraming
naaliw o nahihilig sa ALDUB?

Kung papanoorin mo ito na
ikay nasa kritikong kaisipan
ay marami kang maipupuna
o mairereklamo…

Pero tandaan natin na ang
KALYESERYE ay hindi maaring
tuwirang ikumpara sa TELESERYE
o ano mang tulad nito.

Ang pagkakaintindi ko ang
KALYESERYE ay bagong kategorya
at nag-iisa palang ang ALDUB
na nakakagawa nito.

Simple lang naman ang
nilalaman ng ALDUB kundi
PAG-IBIG at KOMEDYA yun nga
lang kapag pinapanood mo ito
ay di hamak na mas TUNAY at PURO
ang mga emosyon/ pag-arte
kumpara sa ibang TELESEREYE
dahil hindi ito gaano pinag-planuhan
walang take two kundi para
bagang freestyle, kung meroong
script ay mas nakakarami parin
ang pansariling diskarte ng
mga host/artista (sa tingin ko.)
kaya ang lakas ng tama nito
sa mga nanunuod.

At dun naman nagkakatalo
ang mga pelikula o teleserye
diba? Kahit maganda ang istorya
na kung saan may matatamis
na lambingan, romansa at may
halong komedya pero hindi
makatotohanan ang pagkaka-deliver
nito eh parang nasayang lang
ang mga naisulat na script.

Yun naman sa tingin ko ang
isa sa advantage ng ALDUB love
team. Nag-uumapaw sila sa
pagiging totoo…

Hindi ko na hihimay-himayin
didiretsuhin ko na.
Mahusay ang KALYESERYE at
ang ALDUB ay di maitatanging
CHAMPION sa taong ito o maaring
sa mga susunod pang panahon.

Hindi lang si Alden, YAYA,
Joey o buong Eat Bulaga ang
NANALO kundi lahat ng mga
tumatangkilik dito.

Natutuwa ako sa mga kapwa
ko kababayan dahil parang
ngayon ko lang nakitang
ganitong kaligaya ulit ang mga
Filipino. Para bang araw-araw
may Laban si Pacman kay Maywheather.

Siguro kapag nakapag-settle
na ako sa lilipatan ko
at naiayos ko na ang mga koneksyon
ko ay makakahabol din ako sa
ALDUB at kamalaunan ay maging
official follower narin ako
nila.

Pero bago pa man iyon ay
eto ako’t SumaSALUDO! sa kanilang
ginawang pagpapaligaya sa ating
mga kababayang Filipino.

Salamat!

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: