GANTIMPALA

KARMA_Fotor

 

Pagkatapos naming
magtanghalian ay madalas
kaming tumatambay sa
isang guest area na di
madalas ginagamit upang
magpalipas ng kabusugan
at kung ipagkakaloob ng
pagkakataon ay sumasaglit
kami ng ilang minutong
pag-iglip.

Sa lugar na ito ay
nakikita namin ang mga first
aid di umano sa aming
building.

Pero iba ang pumasok sa
aming isipan nung nakita ito.

Tila baga ang mga kagamitan
ito ay inisip naming mga
gatimpala kung magtatagal
ka sa kumpanya ng tatlungpung
taon… baka kung magkagayon
ay bigyan ka na ng isang
wheel chair at kung maitatagal
mo pa ng mahaba-haba ay baka
regaluhan ka pa ng stretcher!

Nakaka-shock marinig o
makita o di kaya ay malaman
na sa tagal-tagal mong
itinrabaho sa isang lugar
ay kapag oras na ng iyong
pag-alis ay hahayaan ka
nalang lumisan. Naiintindihan
ko na bayaran naman tayo
at yun lang ang nasa kuntrata
pero wala na ba talagang
pusong natitira sa ating mga
empleyado at hahayaan nalang
natin na maging ganun ang
siste?

Sana hindi ako maging kagaya
nung mga kilala ko noon na
nagsasabing kapag sila ang
naging Boss o di kaya
ay may ari ng isang kumpanya
ay hindi sila makakalimot
na makinig sa kanilang puso.

Kaya nga sabi nung isa kung
kakilalang ibang lahi
ay marahil yun ang dahilan
kung bakit hangang ngayon
di ako Boss dahil di daw ako
mahilig mamulitiko.

Sana ay magtulong-tulong
ang mga mahal ko sa buhay
na manalaningin kasabay ko
para ng sa gayon kamalaunan
maging Amo narin ako. Maaring
di ako ganoon kaluwag pero
sisiguraduhin ko ipapaliwanag
at ibibigay ko ang lahat ng
kanilang benepisyo sa tamang
paraan dahil alam ko na ang
maging tuso sa kapwa manggagawa
ay maaring may kapirangot na
gatimpala pero tandaan mo na
ang mga ito ay may kaakibat
rin na karma….

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: