LAMESA

SA ILALIM NG MESA_Fotor

 

Karinawan nating
pagkakaintindi ay sa
mesa isinasagawa ang
pagsasalo-salo sa pagkain.

Pero sa mesang itong
kinauupuan ko na nakikita
mo sa litrato ay madalas
naming pinagsasaluhan ang
mga usapin patungkol sa
trabaho.

Naniniwala ako na lahat
ay madadaan sa mabuting
usapan kung ang magkabilang
panig ay handang makipag
usap ng maayos. Ngunit
kung ang sino man sa magkabilang
panig ay walang interest
na makinig kundi nagnanais
ay magsalita lamang ay
sigurado ako na magiging
mahirap ang pagdadaaanan
ng bawat panig o di kaya
ay masayang lang ang oras
at lakas ng lahat dahil
sa huli maaring mauwi sa
wala ang pag-uusap.

Pansin ko tuloy na
sa buhay natin ay marami
tayong ibat-ibang lamesa…

May mesa na pang pamilya
Pang opisina
Pang sarili
at marami pang iba.

Ang tanung eh sino
sa kanila ang madalas mong
kinakaharap? o ang tanung
ay nakakaharap mo pa kaya ito?

Dapat siguro ay dumating
din ang panahon na
pag-isahin mo na ang
mga lamesang ito dahil
maniwala ka man o hindi
ay walang taong pwedeng
kumaharap sa tatlong
lamesa sa iisang pagkakataon…

Hindi pagiging “balanse”
ang kasagutan kundi
“Harmony”

ito ang nadadalas kung
pag-isipan. Matagal
narin akong empleyado
at sa totoo lang tulad
ng iba gusto ko sana na
medyo maiba naman. Gusto
ko makapagtrabaho na naayon
sa mga hilig ko. Gusto ko
na gumawa ng sarili kung
lamesang swak sa kung sino
talaga ako kaysa sa
ako ang nakikibagay sa
isang partikular na lamesa.

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: