DIGITALIZE?

digital

 
Nung nakaraang taon
ko talaga napansing ang
buhay ng tao ay halos
pinapatakbo na ng DIGITAL.

Biruin mo ngayon mga panahon
ay isang pangangailangan
na ang Kompyuter, Cellphone
at ang magkaroon ng account
sa Social Media.

Kung noon 1990’s mo
sasabihin sa mga tao ito
ay malamang aakalain nilang
nahihibang ka pero biruin
mo halos kinseng taon
lang ang lumipas eh ganito
na tayo.

Ang pinaka nakapagpatayo
ng balahibo ko tungkol
sa pa-Digital na mundo natin
ay noong dumating na ako sa
puntong yung pinang-draw-drawing
ko ay digital narin!

Dati rati lapis at papel
kasabay ang mga pangkulay
na crayola atbp. uri ng pang
kulay pero ngayon kelangan
mo lang ay digital pen,
drawing pad at laptop at
pwede ka ng gumuhit ng walang
humpay na di ka nag-aalala
na maubusan ng papel.

O nga pala yung litratong
nakikita nyo sa artikulong
ito ay hindi ko ginuhit yan
kundi nakuha ko sa Bitstrip
isa sa mahusay na app at
nakakaaliw.

May mga nagsasabing parang
di daw maganda ang pagbangon
ng teknolohiyang ito dahil
parang nababawasan nito
ang kalidad ng karanasan
natin sa mga bagay-bagay.

Wala naman akong tutol
dun pero sa mga taong tulad
ko na hindi trip sa ngayon
yung maraming mga physical
na bagay na tinatago ay
napaka laking pakinabang
ng digitalize stuffs.

Una ay mura at unlimited
tapos ay madaling itago.

Kapag gusto mo ng maraming
picture di mo na kelangan
bumili ng albums, ganun din
sa pelikula at kanta lalo
na at panay lakbay ka
eh pwede mo ng dalhin
kahit saan yung paborito
mong mga discographies
at film collection kesa
sa magbitbit ng VHS o plaka.

Sa huli naman keh Digital
o analog etc ang importante
nito ay sa huli narating mo
ang gusto mong mapuntahan
o nakuha mo ang resultang
inaasahan mo keh sakto
o tama lang…

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: