GUSTO KO MAG-RAP ULIT KASI…

DSC_0027_Fotor

 
Gusto ko sanang gumawa
ulit ng mga RAP SONG
na trip-trip lang.

Aminado naman akong
hindi pang madlang tao
ang ginagawa kung kanta.

Napaka personal at kung
minsan nga halos ako
nalang ang nakakarelate…

Kapag dumating ka sa ganung
punto ay nakakatawa o
katawa-tawa ka di lang sa
sarili mo kundi lalo na sa
iba.

Minsan nagsisisi ako bakit
ko ba pinakawalan sa internet
ang mga nagawa kung kanta
dahil kamalaunan maski
ako mismo eh nasasagwaan na…

Konting konti nalang
ay ide-DELETE ko na lahat
ng ginawa kung RAP Song
dahil nga bukod sa nasasagwaan
ako eh naalala ko yung mga
katamaran kung mag-revise
at mag-edit dahil atat na atat
akong i-upload saka nung
mga sandaling iyon sa pang-rinig
ko eh ayos na ang lahat.

Pero sabi nga sa isang librong
nabasa ko tungkol sa pagme-mix
ng instrumental at beats ay
kailangan lang talagang
magkaroon ng time-out o pahinga
ang mga mixer dahil nagkakaroon
nga ng hearing fatigue at
kapag nangyari yun di mo na gaano
magagawang itimpla ng ayos ang
iyong hinahandang obra. Walang
iniwan sa pag-luluto minsan
kelangan natin ipahinga ang
ating dila sa pagtikim dahil
kamalaunan nagkakapare-pareho
na ang lasa ng ating tinitikman.

Hangang ngayon di ko pa dinidelete
yung mga nagawa kung RAP songs.
Siguro may iba akong binura na
kasi nung naiwanan siyang draft
project at aking sinusubukan na
alalahanin eh parang nonesense
na sa akin yung proyekto o di
kaya ay nawala na sa isip ko
yung pinaka ideya.

Sa una nahilig ako gumawa ng
RAP song kasi inaakala ko na
kapag ang ini-RAP ko ay mga
isinusulat ko sa blogsite na
ito ay tatangkilikin ng tao
pero hindi ganun ang nangyari…
meroon namang nakaka-gets, like
at nakakasakay sa sinasabi ko
pero hindi ito yung tulad nung
ibang parang overnight celebrity.

Kamalaunan naging libangan
ko na ang paggawa ng RAP songs
dahil nagustuhan ko yung PROSESO
nito. Mula sa pagiisip ng tema,
pagsusulat, pagtutugma-tugma saka
paghahambing-hambing ng mga salita
at kamalaunan ay hahanapan mo ng
beats o gagawa ng sarili saka
naman ire-record at editing…
ang panghuli o cherry on top
ay pag-gawa mo ng portrait
na para bang sumasagisag na
marka ng kantang iyon.

Bukod pa dito eh iyong kasaysayan
ng RAP, ito ay isang sangay
ng HIPHOP at ang HIP-HOP ay
kung itutuos mo ay binubuo
ng positibong kulutra na kapag
ipinaliwanag ko pa ay hahaba
at mawawala na tayo sa topic
ng artikulong ito kung kaya
paki-search nyo nalang.

Ayon sa karanasan ko nung nakaraan
sa pag-gawa ng RAP songs
ay maganda siyang
aktibidades bilang isang ehersisyo
sa iyong puso, isip at pati narin
pang espiritual. Kumbaga sa
isang artist katumbas nito ay para
kang nag triathlon dahil halos
lahat ng aspeto dapat paganahin mo.

Pakikinig, pagiisip, pagsulat,
pag-aaral sa mga bagong tema
at minsan kelangan mong gumuhit
kung gusto mong mas personal ang
kakalabasan ng iyong proyekto.

Nakakapagod nga lang talaga
at malakas kumain ng oras pero
sa huli ramdam mo yung sarap
na may natapos ka at bonus
na lang kung may maka-sakay
sa tunog o awit na ginawa mo.

Sana yung mga bloggers rin
na katulad ko subukan nyo ring
i-rap ang ideya o nilalaman ng
inyong site.

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: