VENT-OUT

IMG_2019

 
Vent-out o di kaya ay
paglalabas ng saloobin
patungkol sa mga paksa
sa buhay-buhay, ito ay
mahusay gawin para
maibsan o mabawasan
ang dinadala-dala ngunit
mayroon ako ditong
bahagyang puna…

Kadalasan kasi sa
mga nakasalamuha
kung tao ang gusto lang
nila gawin ay maglabas
ng saloobin at hindi
man lang gawing pag-aralan
ang mga inilabas nilang
impormasyon ng sa ganoon
malaman nila o makumpirma
kung ano ba talaga ang
problema… hindi yung
paulit-ulit nalang
na naglalabas ng sama
ng loob pero wala naman
palang balak makinig
sa solusyon para maresolba
ang problema.
Tandaan natin na hindi
tayo obligadong makinig
sa mga “VENT-OUT” o
paglalabas ng sama ng
loob. Hindi dahil sa
makasarili ka o ayaw
mong makisimpatya kundi
tandaan mo na kapag ikaw
ay sumagap ng mga hinagpis
ay may posibilidad
na maapektuhan ka…

Madalas ang epekto ay
nakakapanghina lalo
na at ang nilalaman ng
mga VENT-OUT ay puno
ng poot at reklamo. Kung
kaya yung mga taong nakikinig
sa mga VENT OUT natin ay
atin silang pasalamatan
dahil kanilang ibinahagi
ang oras at kanilang lakas
para magbigay sa atin ng
attensyon…

Madalas hindi natin kelangan
ng advice kundi “confirmation”
alam na natin kung ano dapat
gawin pero nagdududa tayo
kung tama nga ba iyon…

Pero ang totoo walang nakakaalam
kung ano tama o mali kahit
na ba sabihin mong yung
taong nakaranas ng dinanas
mo eh may posibilidad na sumamblay
ang kanyang payo sayo dahil
kung minsan mapaglaro ang
tadhana.

Mas mainam nga sa tingin
ko ay doon tayo sa ating
diary mag-vent out para
tayo rin mismo ang makasagap
at madali nating mamunimuni
ang mga pangyayari at ayon
sa karanasan ko mas epektibo
yun at bagaman mapaglaro
ang tadhana ay hindi pa
nito nalalaro ang komunikasyon
ko sa aking tala-arawan…

Minsan may mga desisyong
hindi na ako maawat
tapos nagdadalawang isip sa
huli pero kapag naisulat
ko dun ako napapanatag
at nasasabi ko sa huli
na buti nalang sa journal
ko ako nag VENT-OUT…

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: