ANG KWENTO NG ALIPIN, MERSENARYO AT NG KABALYERO

Merc,Slave and Knight_Fotor_Fotor

Hango sa tunay na pangyayari…
Noong mga unang panahon na uso
pa ang mga Hari at Reyna, sa isang
mabuhangin na kaharian ay mayroong
tatlong nilalang na tila
ba pinagtagpo-tagpo ng tadhana
upang pansamantalang baguhin
ang daig-dig na kanilang ginagalawan.

Si Mersenaryo ay isa sa mga
kinikilalang mayaman at matalino
pagdating sa salapi ngunit mahina
ang kalooban.

Si Alipin ay isang typical
na alipin sa kaharian at ang
maaring kaibahan lamang niya
ay ang kanyang pagiging arrogante
at malakas ang loob dala-dala nung
natamong kahirapan ng kanyang
pamilya.

Si Kabalyero ay kilala bilang
isang maimpluwensyang tao mapa
gobyerno o digmaan. Maituturing
na matagumpay ang Kabalyero
maliban na lamang sa kanyang
pangungulila sa mga mahal sa
buhay.

Nagkaroon noon ng isang matinding
krisis sa bawat kaharian at para
ito ay mapaglabanan ang tanging
paraan ay dapat magkaisa ang
bawat tao ano man ang kanilang
estado sa buhay.

Tulad nga ng nasabi ko nung
una tila baga parang pinagtagpo
ng tadhana ang tatlo at ang
kanilang pagkatao at samahan
ay nagdulot ng magandang resulta
upang mapagtagumpayan ang
krisis sa kanilang kaharian
at maging sa ibayong kaharian nito.

Dumating ang panahon na nagtayo
ng sariling imperyo si Mersenaryo
at Alipin bagamat ang konsepto
ng imperyo ay labag sa prensipyo
ni Kabalyero ito ay kanyang iniwasan
na kumprontahin ang dalawang kaibigan.

Ang kabalyero ay likas na
may matalim na pakiramdam
na tila baga itoy biyaya
sa kanya mula pa ng pagkabata.

Minsan niyang kinutuban ang Alipin
at nakukutubang mayroon itong
nililihim sa kanila ng Mersenaryo.

Sa pagiimbistiga ng Kabalyero
ay nakakalap siya ng mga signos
na maaring magdulot ng malaking
pinsala sa kayamanan ng Mersenaryo
at agad niya itong sinabihan, ngunit
maaring dala ng pagka-silaw sa salapi
at masaganang ani ng kayamana’t
ari-arian ng Mersinaryo at ng Alipin
ay tila baga ang babalang dapat
ituring na napaka-halaga ay kabaligtaran
ang nangyari.

Totoo na kapag nakakaranas ng
sunod-sunod na sarap ang isang
tao ay naalintana na niyang
bigyan ng malalim na pansin
ang mga babala na maaring
maging sanhi ng kanyang kabiguan.

Ang kabuhayan ng Mersenaryo at
ng Alipin ay tunay na umunlad.
Malayong-malayo na sa kung sino
sila noon. Kamalaunan sila ay
halos pumantay na sa mga
hari.

Naging malago ang kayamanan ng
Mersenaryo at nagkaroon naman
ng yaman ang Alipin ngunit
alin man dito ay walang
positibong naging pagbabago
sa kanilang pagkatao
bagaman lumalabas pa nga
na parang ang kanilang mga
salapi ay naging balakid
pa sa kanilang pag
babagong buhay kung tutuusin.
Ang Mersenaryo ay mas naging
mahina sa pagtangap ng
katotohanan at lalo pa nito
itong tinatakasan imbis
na harapin ang mga
personal na responsibilidad.

Ang Alipin ay mas lalong
naging arrogante sa puntong
ang kanyang lakas ng loob
ay napalitan ng pagiging
tuso at kasakiman sa salapi
at iyon nga ay nakaapekto
na sa relasyon nila ng
Mersenaryo.

Samantala naman ang Kabalyero
ay buong pagsisikap na
naging mahinahon bagaman
ang pagsasawalang bahala
sa kanyang babala ay
isang insulto sa kanyang
profession…

May pagkakataon na ang
Mersenaryo ay lumuwas
patungo sa malayong kaharian
upang magliwaliw… Wala
itong iniwang impormasyon
sa dating kasamahang
Kabalyero bagaman na siya
ay nasabihan na noon sa
posibleng problemang
magdudulot sa kanya ng
hapis, manapa ay
pinagtiwalaan pa nito ang
arroganteng Alipin.

Dumating ang isang
araw at nabalitaan ng
Kabalyero na ang arroganteng
Alipin ay dinakip ng mga
Sundalo sa kanilang kaharian.

Hindi na nabigla ang Kabalyero
sa narinig na balita bagaman
interesado siya sa mga detalye
nito. Na kung saan kanyang
napag-alaman na ang Arroganteng
Alipin ay palihim na nagbubuo
ng isang hukbo para mag-aklas
at sakupin ang kanilang kaharian
na kung saan ang ginagamit
nitong salapi para sa pantustos
ng mga armas at ibat-iba pang
pangangailangan ng lihim na
hukbo ay mula sa kinikita sa
kanyang kalakal at ang mga salaping
ipinagkatiwala sa kanya ng
Mersenaryo na inaakalang gagamitin
sa pangangalakal ngunit ito pala ay
ginagamit sa isang aktibidad
na pang-rebelyon.

Mula rito ay nagpadala ng
mga mensahero ang Kabalyero
upang tuntunin ang Mersenaryo
at ipaalam sa kanya ang nangyari’t
itoy kumbinsihing bumalik
sa kaharian upang harapin
ang Hari at linisin ang
kanyang pangalan ng sa gayon
ay hindi siya maisama sa
kasong rebelyon.

Habang tinutunton ang Mensahero
ng mga tauhan ng Kabalyero
ang Arroganteng Alipin naman
ay ikinulong at nais kumpiskahin
ng mga tauhan ng Hari ang kanyang
mga ginagamit na salapi at kagamitan
sa pagtatayo ng lihim na hukbo
pero lumalabas na ang mga kasamahan
ng Arroganteng Alipin sa pagtatayo
ng lihim na hukbo ay sadyang mga
tuso dahil ng nabalitaan na ang
Arroganteng Alipin ay nadakip
ang mga kasamahan nito ay
agad kinamkam ang mga
gamit’t salapi at kagad ang mga
ito’y umalis palayo sa kaharian
para magtago…

Ng dumating ang Mersenaryo
sa kaharian ay tapos ng litisin
ang Arroganteng Alipin at itoy
nahainan na ng parusang kamatayan.

Sa takot at pangamba ang Mersenaryo
ay hindi nagawang lumantad kaagad
sa Hari upang magpaliwanag o di
kaya ay usisain man lang ang
naging hatol sa kasamahan kahit
sa kabila na ang kanyang estado
ay makapangyarihan at may karapatan
na halos katumbas ng mga Hari. Pero
dahil sa pananaig ng takot sa
kanyang puso, mas pinili pa
nitong manahimik hangang sa
dumating ang araw na pinugutan
na ng ulo ang Arroganteng Alipin.

Nang Humarap ang Mersenaryo
sa Hari at nagpaliwanag ito
ay hinatulan rin siya pero hindi
kamatayan kundi isang “isolation”
mula sa kaharian ay pinatapon
siya doon sa lib-lib na kagubatan
na kung saan hindi siya magkakaroon
ng komunikasyon sa ibang mga
mamamayan ng kaharian dahil gustong
makasiguro ng Haring hindi
lalaganap ang ibinibintang sa
kanyang rebelyon na sa totoo’y
walang alam ang mersenaryo dito
kundi siya ay biktima lamang
rin ng katusuan ng Arroganteng
Alipin.
Dito natatapos ang kwentong ito.
Masakit at malungkot na katapusan
ngunit kung iyong itutuos ay
mabuti parin sa panig ng Mersenaryo
dahil hindi siya hinatulan ng kamatayan.

Samantalang kamalaunan nalang napagtanto
ng Kabalyero na ang naging punot dulo
ng pagiging tuso ng Arroganteng Alipin
ay sa pagka-ingit sa kanyang estado.

Kung itutuos ay masakit at mabigat
para sa Kabalyero ang mga pangyayari.
Naturingan man siyang makapangyarihan
pero di niya magawang tulungan ang kaibigan
na kung susumahin mo ay ikinulong narin
at kahit na naging tuso at taksil sa
kaharian ang Arroganteng Alipin ay
hindi parin niya magawang talikuran
ito ng ganun-ganun nalamang.
Ano nga ba ang aral sa kwentong ito?

Simple lang… Ang Kasakiman at Kaingitan
ay napaka husay manghimasok sa ating
puso at isipan. Kaya nitong gawing puti
ang itim o di kaya ay itim ay puti. Yan
ang nangyari sa Mersenaryo at sa kawawang
Arroganteng Alipin. Kaya ang payo ko
sana ay wag laktawan ang pagtitimbang
sa mga sitwasyon kahit na sa pakiramdam natin
lahat ay tila baga totoo’t tama na.

 

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: