ANG MAGTANIM NG GALIT AY DI BIRO

IMG_3399_Fotor

 

Narinig na nating lahat ang tungkol
sa pangaral ng mga matatanda
at di umanoy mga espiritual advisers
na ang pagtatanim ng galit
sa kapwa ay masama, kasalanan
daw iyon…

Pero teka ano ba ang ibig sabihin
nung nagtatanim nung galit?

Yun ba yung taong kapag nakikita
yung isang partikular na taong
ginawan siya ng di maganda ay
naalala niya kaagad yung mga
di tamang ginawa sa kanya?

Kasalanan ba iyon? o baka
naman matalas lang ang memorya?

Ayon sa nabasa kung news feed
na ibinahagi ng isang Fan page
na tungkol sa mga trivia ng
pang Siyensya (o Science)
ang utak daw ng tao ay sadyang
naka-disenyo para pangunahing
maalala ang mga di magagandang
karanasan sa isang lugar, bagay,
tao atbp. layunin daw nito
kasi ay upang ma-proteksyunan
natin ang ating sarili sa
anumang maaring nagbabantang
panganib.

Kung tama nga ang sinasabi
nung nabasa kung iyon ay talaga
palang likas lang sa isang tao
ang maka-alala ng mga di magagandang
karanasan dahil ang layunin nito
ay proteksyunan ang ating sarili.

Kung pratikal nating pagiisipan
eh wala namang masamang mag-ingat
lalo na at nabiktima na tayo noon.

Ngayon kung tatanungin nyo
ako kung tama lang bang magtanim
ng galit sa kapwa eh ganito ang
aking punto de vista tungkol
diyan…

Hindi ako kumbinsidong may
taong hindi nagtatanim ng
galit sa kanyang kapwa, ito
ay isang likas na proseso
ng ating pagkatao. Tulad nga
nung nasabi sa trivia na nabasa
ko ang layunin ng pagtatanim ng
galit ay para
ating gamiting batayan
para proteksyunan ang ating
sarili, ang pagkaramdam ng
galit ay maraming kapakinabangan…

Oo tama ang nabasa mo maraming
KAPAKINABANGAN!

Isa na rito ang pagkakaintindi
sa isang partikular na
pangyayari, lugar, bagay
o tao atbp.

Kapag ang isang tao ay nakaramdam
ng galit ibig sabihin nito siya
ay nasaktan. Kapag ang isang
tao ay nasaktan ay dalawa
lamang iyan siya ay nabiktima
ng pang-aabuso o di kaya
siya ay nabigo sa kanyang inaasahang
resulta.

Alin man sa dalawang ito ang
maranasan ng isang tao ay
paniguradong meroon siyang
nabuong aral yun nga lang
ang tanung ay tinandaan at
inintindi nya kaya ito? kasi
sabi nga ang isang kabiguan
o pagkatalo na kinapulutan
mo ng isang aral ay hindi
iyon tuwirang matatawag
na kabiguan kundi mas angkop
itong tawaging “karanasan”

Lahat ng tagumpay ay
laging meroong sa likod nitong
lumbay. Meroong kabiguan na
dinaanan o dinaraanan ang bawat
matatamis na kaligayahan.
Ang akala ng iba na nabubuhay
sa napaka kampanteng mundo
at napapaligiran ng mga pekeng
tao ay gustung-gusto ng mga
taong may kinapopotan ang kanilang
kalagayan. Minsan nagasasawa
na nga lang tayo na marinig ang
kanilang mga hinaing tungkol sa
kanilang kinapopootan pero di natin
alam na malaking bagay ang ginagawa
nating pakikinig dahil mula
dito natutulungan natin silang
mabawasan ang kanilang mga dalahin.

Naniniwala man akong walang
taong hindi nagtatanim ng galit
sa kapwa ay di ibig sabihin nitong
pabor ako sa pagiging magagalitin
at hayaang mag-hari ang puot
sa ating puso.

Oo lahat tayo nagtatanim ng galit
sa ating puso, isip o maaring
tumagos pa ito hangang sa ating
kaluluwa pero naniniwala ako
na nasa atin ang desisyon kung
ang binhi ng kapuotan o galit
ay atin pang aalagaan, didiligan
at bubudburan ng pataba para mula
sa pagiging binhi itoy maging
halaman hangang itoy mapalaki
na kasing laki nung puno ng baliti.

O di kaya naman ay pabayaan
nalang ang naitanim hangang
sa ito ay mawalan ng buhay
at di na mamunga…

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: