MAHAJER

IMG_4152_Fotor

Dito sa Jeddah kapag tuwing
ako’y nabaybay sa kalsada
ng Mahajer street ay pakiramdam
ko para ba akong nasa Bangbang
patungong Tayuman lang…

Maraming mga negosyong
nagaalok ng serbisyo kumbaga
itong lugar na ito ay ang
one stop shop ng katabi niyang
Industrial City na kung saan
nasa loob nito ang mga naglalakihang
planta.

One stop shop dahil may
pa-gupitan, kainan o di kaya
kung may nais kang itanung sa
iyong sim provider ay mayroon
ring mga establishments dito.

Kung di naman maganda ang
pakiramdam mo ay may malapit
ditong ospital.

Pagdating sa kainan meroon rin
at isa na riyan ang walang
kakupas-kupas na Shawarma.

Dito sa Mahajer isa lang
ang alam kung kainan ng Shawarma
at binabalik-balikan ko ito
dahil ang sarap nung ginagamit
nilang tinapay. Akala ko nung una
ay binibili nila iyon ng ready
made pero nasabi sa akin at napansin
ko rin na sila mismo ang gumagawa nito.
Ang galing di ba? Di lang yan
masarap ang tinapay na pinambabalot
nila at sa tingin ko yun ang dahilan
bakit di nauubusan ng mga mamimili
dahil nasa tinapay ang sarap at
hindi lang sa palaman.

Sa tunay na buhay ganun rin diba?

Kung iisipin mo mas masarap
balik-balikan ang isinagawa
mong paglalakbay bagaman masarap
rin naman namnamin ang mga
sandaling narating mo ang iyong
destinasyon na nais tuntunin
ngunit mas maraming kurot
ang naidudulot sa iyong puso kapag
inaalala ang mga napagdaanan mo
bago mo makuha ang iyong
minimithi… Kasi sa paglalakbay
mo yun mismo ang humulma sa
iyong pagkatao at para bagang
sa huli ang destinasyon ay
cherry on top nalang…

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: