MAGHANAP KA NG “TUNAY” NA TRABAHO KAHIT MABABA SWELDO

tunay nawork

 

May hanganan ang pagiging tambay…

Oo alam ko na masarap yung buhay
ng tambay, yung tipong walang
isyu kahit anung oras ka gumising
sa umaga o kahit nga tanghali ka na
gumising, lalo na at buhay  pensyonado
ka, yung tipong yung pang-gas
ng kotse mo at pang-shopping eh
sinasagot ng mga magulang mo.

Nakaka-asar pakingan pero alam
ko masarap na buhay yan at ang
magsasabing hindi ay yung mga ingit!

Walang masama diyan! pero hindi
dapat masanay sa ganitong uri
ng life style…

Mahirap maghanap ng “TUNAY” na trabaho
isa iyang malaking KATOTOHANAN!

Kahit isa akong positive
thinker etc. eh at the
same time “BRUTALY FRANK”
na tao ako…

Yun ang reality, Mahirap
makahanap ng trabaho ayon
sa karanasan ko noon at
siguro nga kung mahirap
noong time ko eh baka
mas lalong matindi ang
kumpitensya ngayon.

Kaya ang maipapayo ko
sa mga Job HUnters ay
magtiyaga tayo, sumampalataya
at umasa. Alam ko rin na
ang ganitong payo ay gas-gas
na at maaring wala ng impact
sa inyong mga diwa pero
uulitin ko ito ang totoo…

Maghanap kayo ng TUNAY na trabaho
hindi yung mga trabahong “BOGUS”
o di kaya ay parang lokohan lang!

Kahit mababa ang pasweldo
o kahit ba itoy trabahong
kahera o kahero ka sa isang
establishment ay mas ayus sa
akin iyon kesa sa mga trabahong
naka-kurbata ka nga or blazer coat
pero hindi mo sigurado paano
ang sistema na swe-swelduhin mo.

Ayus yung pursyentuhan na
naayon sa performance mo or
naibenta mo pero paano naman
kung ang pinabebenta sa iyo eh
maski ikaw mismo nagdadalawang
isip tumangkilik?

Wala naman akong pinupuntong
masama sa mga trabahong
maala BOGUS ang sistema, kasi
nasubukan ko narin magtrabaho
sa ganyan. Papaswelduhin
ka naman kahit papaano pero hindi
mo nga lang alam kung hangang
kelan at kung may habol ka ba
sa kanila, masaya rin magtrabaho
sa mga ganyan pero tandaan mo
na tumatakbo ang oras mo, hindi
ka habang buhay na “bata”
at paka-tignan mo mabuti
ang nakakalap mong karanasan
at tanungin mo ang iyong sarili
kung may saysay ba ang mga
karanasang ito? maipapagmamalaki
mo bang isulat iyon sa iyong
resume bilang expirience? kung
hindi eh mag-isi-isip ka.
Alam ko na hindi madaling tangapin
na isang graduate ng college
eh magtratrabaho sa isang maliit
na establishment bilang kahero o
clerk pero sino ba nagsabi na iyon kana?
at sino rin nagsabi na habang buhay
ka na dyan? stepping stone lang
kelangan mo at kamalaunan kapag
may karanasan ka na at nakakita ng
opurtunidad eh hindi ka pinagbabawalang
sumubok, makipagsapalaran at kung meron
mang pumipigil sa iyo ay abnormal
yun!

Wag ka sana masyado maaliw sa uri
ng trabahong napaka ganda ng
pangalan at mga pangakong di umano
ay suswelduhin mo, ayus lang minsan
na makipaglaro pero antabayanan mo
ang iyong sarili dahil baka sa huli
makita mo ang resulta ay hindi na
nakakatuwa.

Magandang Araw sayo😀

 

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: