KAMBYO

KAMBYO

Ilang taon din akong tumigil
sa pagmamaneho at pagbalik
ko sa driver seat ay automatic
transmission naman ang
para bagang tumadhana sa akin
para magamit.

Sabi nila mas mainam ang
automatic para di ka
hirap sa pagmamaneho
tutal dito sa Kaharian ng Arabia
ay di gaano kamahal ang krudo
kaya kamalaunan ito narin
ang pinili ko dahil gusto ko
rin maranasan yung sinasabi
nilang ginhawa kapag automatic
ang kambyo.

Walang pinagbago sa transmition ng
manual ang mga automatic
ngayon, may kalayaan ka
na bagu-baguhin ang kambyo
ng 1st gear, 2nd gear, 3rd gear
etc. o di kaya ay ilagay
mo lang sa D at paapak-apak
ka nalang sa pedal gas o preno.

Ang pagmamaneho ng kotse
sa kalsada ay isang
magandang simpleng metaphor
rin ng buhay. Simple pakingan
kapag sinabi sa iyo kung paano
magmaneho, kapag pinanood
mo nasasabi mo sa sarili mo
“mas magaling ako dyan”
pero sa actual dun mo maiintidihan
ang tunay na kalagayan.

Sa buhay parang pagmamaneho
hindi ka dapat panay apak
sa pedal ng basta-basta dahil
baka di mo namamalayan nagaaksaya
ka na pala ng gasolina o di
kaya ay masaktan ka o ang mga pasahero
mo dahil sa biglaan mong pagprepreno.

Syempre ang pinaka puso ng
pagmamaneho ay ang kambyo.
Keh automatic ka o manual,
dapat alam mo kung kelan ka
gagamit ng mababang kambyo o
mataas para masulit mo ang
lakas ng makina at mapanatiling
swabe ang iyong biyahe para cute
ang pagmamaldito at hindi
yung sa pagmamaneho mo ay
kinaasaran ka na ng mga kapwa
mo motorista eh pati ba naman
mga nakasakay sayo?

Kahit automatic may pagkakataon
na kelangan mo magdesisyon
kung kelan mo itutuos na ibaba
o itaas ang iyong kambyo
para sa maayos na paglalakbay.

Ingat ka rin sa isinasalang
mong kambyo baka naka-reverse
ka pala eh baka makaatras ka
pa at itoy maging problema pa.

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: