NILALAPITAN NG TRABAHO KAHIT DI NAG KOLEHIYO

Parang gusto kung maniwala na
isang kalokohan na mababa ang “Job oppurtunity”
sa Pilipinas. Kung isasama sa usapan
ay yung mga pribado at maliliit na negosyo
sa Pilipinas.

Kasi ngayon nga lang sa mga nakakahalubilo
kung OFW’s marami sa kanila ang may
mga naipun ng puhunan para ipang-negosyo
pero nangangambang ituloy ang kanilang
plano dahil hindi nila alam kung saan
sila kukuha ng mga taong mapapagkatiwalaan
para magtrabaho sa itatayo nilang negosyo.

Kahit ako na nga lang, meroon rin akong
inuunti-unting itayong negosyo at ang
parte na medyo nahihirapan kami ay
yung usapin kung sino yung mga makakasama
naming magpapatakbo ng negosyo.

Nakakalungkot nga isipin na minsan yung
mga kamag-anak mo sana gusto mo bigyan
ng ikabubuhay pero hindi mo magawa dahil
nga kwestyunable kung mapapagkatiwalaan
mo sila.

Ganun din sa mga kabarkada mo noon na alam
mong nag-iilusyun lang na okay sila at
bata pa edad pero sa katotohanan kelangan
na nila ng isang trabaho na tulad nung
gusto mo sana ipag-katiwala sa kanila ang
kaso hindi nga sila mapapagkatiwalaan at bukod
pa doon maarte pa.

Pero yung mga taong matitino at mapapagkatiwalaan
kahit ilang taon na ang nakalipas di mo
sila makalimutan kahit di mo sila kamag-anak
o malapit na kaibigan.

Kasi kahit ako nga tinatanung ko yung
mga dating mga taong nagtrabaho sa pamilya
namin noon at silay pinapahanap kahit
saang lupalop pa sila ng Pinas para lang
tanungin kung interesado pa sila sa trabahong
gusto ko ibigay.

Pero ang lagay nga ay kapag matino kang
tao o trabahador kamalaunan mapapabuti naman
kalagayan mo kaya siguro hindi mo narin
ganoon kakailanganin ng mga trabahong
medyo kumplikable kahit medyo maganda bigayan.

Sinasabi sa aming mga batang lumaki ng 90’s
na dapat makapagtapos kami ng Kolehiyo para
trabaho lumapit sa amin, pero sa ngayon
kahit ilang kurso tinapos mo pero kwestyonable
pagkatao mo wala sigurong lalapit sayo
kahit anong trabaho. Pero yung mga taong
kahit walang kursong naabot sa kolehiyo
pero subok ng pagkatiwalaan ay maraming
pintuan ng opurtunidad ang nakabukas
para siya ay anyayahan.
Kaya tayong mga magulang ito siguro
ang una nating pag-isipan, bago natin
pangarapin kung anung kurso ang ipapakuha
sa ating mga anak ay pag-isipan natin
paano natin sila sasanayin maging isang
mamamayan na mapapagkatiwalaan…

Sa mga kabataan naman na nagiisip kung
anung kurso kukunin at mga mag-aapply
ng trabaho ay siguro suriin
muna natin ang ating sarili kung anung
klase ba tayo ng tao? tayo ba yung klase
na mapapagkatiwalaan? kung hindi ay
paglaanan natin ng panahon
para ito ayusin dahil tandaan na
ang kolehiyo ay tungkol sa pagseserbisyo
at ang isang serbisyo ay dapat
mapapagkatiwalaan…
Doon naman sa mga nagtatrabaho na eh
masasabi ko lang ay… Kamusta? Kaya pa ba?šŸ˜€

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: