KEH MAY PERA O WALA PROBLEMA

Itong darating ng Setyembre
mag 33 years old na ako…

So far sa karansan ko
nadanas ko na ang buhay
na kapos sa pera at sagana
sa salapi at masasabi ko
na alin man sa dalawa
pwede kang magkaroon ng problema.

Para mawala ang problema
hindi pera mismo ang kelangan
ng tao.

Ang kailangan ng tao ay
palitan niya ang kanyang
“WAY OF THINKING” or
“THINKING PATTERN”

Hindi yung basta lang
sasabihin mo sa sarili
mo na “BE POSITIVE”
kasi parang niloloko
mo lang sarili mo noon
kapag ginawa mo ng
wala sa tyempo.

Tanungin mo ang
iyong sarili
bakit ka ba mamro-mropblema
kapag maging kapos o
mawalan ng pera?

Itatakwil ka ba ng
mga mahal mo sa buhay?

Sayo ba ibabagsak
lahat ng sisi?

O baka di mo lang
ma-take na magmukha
kang kawawa sa mata
ng iyong mga kakilala?

Naranasan ko ng maging
“wala” as in ang pera
ko nalang ay 5 riyals
sa aking bulsa, marami
ang ayaw maniwala pero
totoo yun! Naging ganun
ako ng minsan…
Pero hindi ako nagmukmok
hindi ako nagpaka-depress
dahil hindi ako ganung tao…
Kaya napagtanto ko na
siguro may mga tao lang
talagang ganun…

Mahilig mamublema…
nung wala naman ako
gaanong pera noon
ay ganoon parin naman
ang trato ng tao sa akin…
Yun nga lang kasi hindi
ko pinangangalandakan
sa mundo na wala akong pera
kasi may mga tao akong
kakilala na kapag walang
pera eh halos kahit sino
ang makausap ay panay
salita na wala siyang pera
kung kaya yun na ang naging
kakilanlan niya… Si ____
na walang pera.

Wala namang masama na tangapin
ang katotohanang kapos
o wala kang pera, pero di
mo na kelangan ipangalandakan
yun!

Naniniwala kasi ako sa “vibes”
o sa “signals” kung ano ang
iniisip mo at buka ng bibig
mo yun ang inaakit mong aura…

Kaya ako noon nung kapos ako
hindi ko pinaguusapan ang
kalagayan ko na iyon, doon
ako tumututok sa masasaya…

Kaya ngayon alam mo na!
Kung malungkot ka kasi
wala kang pera o kapos…
Eh magisip-isip tayo
ulit baka yung punto de vista
natin ang may issue at di
yung laman ng ating bulsa.

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: