MAHIRAP ANG BUHAY KAPAG MARAMING REKLAMO

 

Kahit saan mo tignan
keh sa negosyo, trabaho
o relasyon ang pagiging
ma-reklamo ay hindi nakakatulong.

Walang masamang magreklamo
kung ang iyong karapatan o
ang isang kasunduan ay tuwirang
nilabag o inabuso, kung magkagayon
dapat kang tumindig at ipaglaban
ang iyong sarili ngunit
kung ang sitwasyon ay hindi
hahantong sa ganitong senaryo
ay dapat lutasin o di kaya
ay wag na lang pansinin.

Hindi napapansin ng karamihan
na addict na pala sila sa
pagre-REKLAMO. Kasi nga naman
sa mga usapan madaling makakuha
ito ng pansin at simpatya pero
kamalaunan ang REKLAMONG ayaw
namang harapin ay mapapansin
mong kumakain lang ng iyong
oras at napupunta lang ang mga
ito sa wala.

Sa totoo lang sa obserbasyon
ko ang mga taong ma-REKLAMO ang
madalas tinatamaan ng malas.

Sa obserbasyon ko ang mga taong
masyadong ma-REKLAMO ang tunay
na kawawa at pulubi sa buhay.

Kahit anung ibigay mo sa kanila
at kahit saan mo sila ilagay
kahit gaano ito kaganda o kahusay
hahanap at hahanap parin sila ng
dahilan para magreklamo.

Bigyan mo sila ng maraming
pera magrereklamo sila
sa tax o di kaya sa palitan
ng dolyar

Bigyan mo sila ng masarap
na ulam magrereklamo sila
baka tumaas ang kanilang
cholesterol

Bigyan mo sila ng kumpletong
pamilya magrereklamo sila
na laging crowded sa bahay

Kaya nga naniniwala ako
na tayo ay nabubuhay sa
perfectong mundo, walang
kakapusan sa mga biyaya
kung tutungo mo ang iyong
sarili sa direksyon na naayon
sa kailangan at gusto mo,
ang problema may mga taong
hindi alam kung ano ba talaga
gusto nila sa buhay kaya di
nila alam kung saan sila babaling
at mas malala pa dito ay
may mga taong ang gusto lang
talaga ay magreklamo at lalong
malala ay ang mga taong ito
ay hindi alam na ang gusto
pala lang talaga nila sa buhay
ay mag-REKLAMO at walang intensyon
na maging bahagi ng solusyon.

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: