NANINIWALA KA BA KAY MATOBATO?

Si Edgar Matobato ay di umano
daw ay kabilang sa mga DDS
o Davao Death Squad ni Digong noon…

Pagkakaintindi ko ay para
ata siyang maala John Wick!

Kaso doon sa Senate Hearing
medyo hindi ata ganun ka-Sharp
si Manong Edgar.

Bilib ako sa pag-aaruga ni
Sen. De Lima sa mga witness
at doon ko pa nga unang narinig
yung “Executive Session” sa
isang partikular na paksa.

May punto din naman si Sen. Delima
pero may punto din si Sen. Cayetano.

Ang layo na pala nung naging evolution
ng ating Senate Hearing.

Kung noon napaka ingat ng mga
witness sumagot at napaka determinado
kumbinsihin ang mga nagtatanung sa kanila
ay sa ngayon ay ibang-iba na…

Kasi si Matobato bukod sa medyo
sablay-sablay ang kanyang mga
testimonya tungkol sa McDo, PAOCTF,
kung sino tumulong sa kanya
at masking tape eh panay pa
ang iwas niya sa pagsagot sa mga
tanong. Kung gusto mo ilabas
ang katotohanan di ba dapat uhaw
ka sa exposure? di ba dapat gigil
ka na humarap sa kamera at
isiwalat lahat ng mga nalalaman mo
detail by detail? Pero itong
si Manong Matobato panay ang
pass at pa-secret.

Marami naman ako kilala
ni di nga nakatung-tong ng
Grade 1 pero di naman ganito.
Ewan ko lang pero di ba kapag
ikay pupunta sa isang pagpupulong
alam mo na ikay dapat lang
na handa, di mo na kelangan aralin
yun sa kolehiyo, isa siyang
law enforcer figure in some way
at alam niya na kapag siya
ay sasabak sa bakbakan dapat
kargado siya ng bala atbp.

Ganun din lalo na pag pupunta
ka sa Senado at ang paguusapan
ay ang pagtestigo mo na kung
saan inaakusahan mo ang Presidente
ng Pilipinas.

Pwera nalang talaga kung wala
siyang baon kaya in fairness
matalino ang move ni Matobato
kung magkagayon.

 

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: